Sunday , November 24 2024

Antipolo police nainsekyur ba kay Olan Bola?

PINOSASAN, ikinulong at sinampahan ng kasong obstruction of justice ng isang pulis-Antipolo si GMA-7/DZBB news reporter Olan Bola.

Dahil daw ‘yan sa pag-i-interview ni Bola sa isng guwardiya na saksi sa nangyaring hit and run.

Actually, iniimbestigahan ng pulis na si PO3 Stephen Purganan, ang security guard, nang interbyuhin ni Bola.

Ang layunin ng news reporter, agad maipagbigay-alam sa publiko ang nasabing insidente kasi nga tumakas ‘yung nakasagasa.

Pero mukhang hindi nagkaintindihan si Olan at ang pulis na si Stephen kaya inaresto at ikinulong ang una.

Ang hindi natin maintindihan dito, nagkausap naman pala sina Olan Bola at ang pulis na si PO3 Puruganan at humingi umano ng paumanhin ang news reporter pero mukhang hindi tumagos sa isip at damdamin ng pulis.

Kapwa naman natin naiintindihan ang magkabilang panig. Pareho silang nangunyapit sa kasabihang, “Trabaho lang, walang personalan.”

Nagkasagasaan nga lang habang pareho silang gumaganap ng kanilang tungkulin.

Ang huling balita natin ay naospital pa si Olan Bola dahil tumaas ang kanyang presyon.

‘Yan talaga ang ilan sa mga hindi naiiwasang pangyayari lalo kapag nasa gitna tayo ng pagganap ng ating trabaho at tungkulin sa mamamayan.

Kung tutuusin hindi naman dapat nag-over react si PO3 Puruganan, lalo na kung nag-uusap naman sila nila ni Bola.

Mantakin ninyong pinosasan at ikinulong ang reporter na nag-uulat sa publiko, hindi ba maliwanag na paglabag ‘yan sa kalayaan sa pamamahayag?!

Sa ganang atin, mayroong tungkulin si Bola na sampahan din ng reklamo si Puruganan, dahil maliwanag  din na paglabag sa karapatan ng reporter ang ginawa ng pulis.

Mukhang sa korte magwawakas ang usaping ito para patunayan ng isa’t isa kung sino ang may katuwiran…

Go Bola, go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *