Thursday , June 4 2026

Visa sa kano isusulong ni Digong

102216_front

HINDI na magiging madali para sa mga Kano ang pumasok sa Filipinas dahil gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng visa requirement sa mga US citizen na bibiyahe sa bansa.

Sa kanyang pagharap sa mga negosyanteng Filipino at Chinese sa Beijing, China kamakalawa ng gabi, binigyang-diin ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe na dapat ay maging patas ang labanan dahil ang mga Filipino na gustong magtungo sa US ay kailangan ng visa at dumaraan pa sa butas ng karayom para lamang makakuha nito.

Habang ang mga US visa holder ay makapapasok sa Filipinas nang walang ano mang requirement.

Inilahad ng Pangulo, ang masamang karanasan niya sa US Immigration officers sa Los Angeles airport noong dumaan sila rito kasama ang ilang kongresista upang magtungo sa Brazil noong siya ay congressman ng Davao.

Kung ano-ano aniya ang hinanap sa kanya ng immigration officer sa Los Angeles airport hanggang  gusto pa siyang i-detain dahil hinahanap pa ang kanyang authority to travel.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …