APRUB na ng House Constitutional Amendment Committee ang resolusyon para mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly sa panukalang pag-amyenda ng Saligang Batas.
Ito ay makaraan 32 miyembro ng komite ang bumotong pabor na Con-Ass ang maging mode para sa Charter change, habang pito lamang ang tumutol at tatlo ang nag-abstain.
Aprubado na rin na pag-isahin na lamang ang 29 Cha-cha bills at resolusyon na inihain sa komite sa pamamagitan ng isang substitute resolution.
Habang hiniling ni Buhay Rep. Lito Atienza na huwag na siyang isama at ang iba pang tumutol sa botohan, sa bubuuing technical working group para sa Con-Ass.
Iginiit niya, ayaw niyang maging bahagi ng sistema na sa kanyang paniniwala ay salungat sa tamang paraang ng pag-amyenda ng Saligang Batas.