
NAKIPAG-POSE ang tatlong The Voice Kids season 1 to 3 winners na sina Lyca Gairanod (Team Sarah), Elha Nympha (Team Bamboo), at Joshua Oliveros (Team Lea), para sa posterity pose kay Vista Land Chairman Manny Villar nang mag-courtesy call ang tatlo sa tycoon’s office nito sa Mandaluyong kamakailan. Pinasalamatan ng tatlong singing champions si Villar para sa kanilang bagong bahay, na parte sa mga napanalunan nila sa phenomenal singing competition. Si Villar, sa pamamagitan ng kanyang kompanyang Camella, ay aktibong sponsor ng The Voice Kids simula nang umere ito noong 2014 at kabalikat at kasama rin sa iba pang programa ng ABS-CBN na tumutulong at nagpapahalaga sa mga talento at deserving Filipinos para magkaroon ng Camella home.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com