Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kalikasan at Kaligtasan, tatalakayin sa Pambansang Summit ng KWF sa Bundok Makiling

Magsasáma-sáma ang mga katutubong lider, eksperto sa wika at kalikasan, at iba’t ibang kinatawan ng pamahalaan sa Pambansang Summit sa Wika at Kaligtasan ng KWF mula 26–28 Oktubre 2016, sa Philippines High School for the Arts, Bundok Makiling, Los Baños, Laguna.

Nilalayon ng summit, na may temang Tungo sa Nagkakaisang Boses at Pagkilos para sa Kalikasan at Kaligtasan ng Sambayanang Filipino, na halukayin at linangin ang mga katutubong konsepto mula sa iba’t ibang rehiyon upang makabuo ng mga makabuluhang resolusyon hinggil sa kalikasan at kaligtasan.

Dadaluhan ito ng tinatayang 200 kinatawan ng mga pangkating etniko na magbabahagi at magpapalitan ng mga konsepto ng kanilang pangkat hinggil sa umiiral na pananaw sa na maaaring tumugon sa hamon ng mga isyu gaya ng pagbabagong klima.

Panauhing pandangal si Senador Loren B. Legarda, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng kalikasan at kulturang katutubo ng Filipinas. Ilulunsad sa summit ang Atlas Filipinas at Aklat ng Kapayapaan na kapuwa sinuportahan ng tanggapan ng senador.

Magbabahagi ng lápit ng kanilang kagawaran sina Kalihim Regina Paz Gina Lopez ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) at Kalihim Judy M. Taguiwalo ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan.

Magbibigay naman ng mga panayam  sina Rep. Nancy A. Catamco ng komite ng IP sa Mababang Kapulungan, Carlos Buasen ng National Commission on Indigenous Peoples, Emmanuel M. De Guzman ng Komisyon sa Pagbabago ng Klima, at Ruperto Sangalang ng Komisyon sa Mataas na Edukasyon.

Para sa mga detalye, maaaring hanapin si Bb. Evelyn Pateño sa telepono blg. 243-9855, o magpadala ng sulatroniko sa komisyonsawikangfilipino@ gmail.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …