Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Smoking ban ipatutupad

IPINAALALA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, sa publiko ang kaugnay sa executive order na kanyang pipirmahan na nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong mga lugar.

Sa media briefing bago umalis para sa state visit sa Brunei, binigyang-diin niyang hindi na pahihintulutan ang paninigarilyo maging sa itinalagang indoor smoking areas.

“Yes, [the EO on smoking ban] will be [signed] and will follow the Davao experience. If you want to smoke, find a place where it is allowed,” pahayag ni Duterte.

Tinututulan ng Pangulo ang itinatalagang indoor smoking areas sa mga gusali para sa mga naninigarilyo.

“That ain’t the way. It must be out. It’s not in a cubicle inside the building,” pahayag ng Pangulo, na kabilang ang pagbabawal sa paninigarilyo at pag-inom ng alak na ipinangakong ipatutupad habang nangangampanya sa nakaraang halalan.

Sa Davao City, bawal ang paninigarilyo sa open and enclosed public areas.

Sa mga establisimiyento, maaaring magkaroon ng smoking areas kung mayroong outdoor spaces na walang permanente o temporary roof o dingding.

Bunsod ng ban, kinilala ang Davao City ng World Health Organization (WHO) bilang pangunahing huwaran sa pagpapatupad ng no-smoking policy sa Filipinas.

Diin ni Duterte: “There is no debate that you will die of cancer if you continue using nicotine.”

Nauna rito, sinabi ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, sa ilalim ng EO ni Duterte, pahihintulutan ang paninigarilyo sa isolated areas at non-public places.

“Sa tabi-tabi, sa likod ng mga building na walang public,” aniya.

Ayon kay Tagle, nakasaad din sa EO ang pagbabawal sa paggamit ng vaping o e-cigarettes sa pampublikong mga lugar.

“Ang marketing niyan ay para mag-quit smoking subalit ang kabaliktaran ang nangyayari, nagkakaroon sila ng karanasan sa paggamit ng iba’t ibang uri ng vaping hanggang mauwi sa ipinagbabawal o addicting substances,” dagdag ni Tayag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …