Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Lumpen’ magiging produktibo sa drug war ni Digong

NAIS ng Palasyo na maging produktibong mamamayan ang mga tinaguriang “lumpen proletariat” kapag lumabas na sila sa rehabilitation center ng gobyerno alinsunod sa ikalawang yugto ng anti-illegal drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Assistant Secretary of the Secretary to the Cabinet Jonas George Soriano, ikinakasa na ang rehabilitation program para sa drug dependents na kasama ang livelihood training upang maging produktibong mamamayan kapag nagbalik sa kanilang pamilya.

Ang ‘lumpen proletariat’ ay termino ng mga Marxista sa mga maralita na sangkot sa gawaing anti-sosyal gaya ng pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga, at hindi interesado sa pagsusulong ng pagbabago sa lipunan.

Ani Soriano, nakikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa kampanya nitong “Masa Masid” katuwang ang Simbahan, at Department of Health para sa isang rehabilitation program.

“One, is being done by DILG, they call it, “Masa Masid.” They are launching a campaign in partnership with the church and the LGUs to work on a rehabilitation program. Kasi they were informed by — during this technical meeting kasama ang DoH. Hindi naman lahat ay ano — ‘yung wala nang pag-asa. I mean, there are, if you take drugs too much naman talaga, after a while wala ka na e. Ang tantiya nila, of course, I don’t know the official figures pero it’s not a big percentage. There are a lot of people that really need treatment and from treatment, how to earn a living,” ani Soriano.

“These rehabilitation centers must be tied up to livelihood initiatives so that gagaling ang tao at ‘pag gumaling, meron siyang gagawin productively. Kasi ang lumalabas, pami-pamilya ang tinatamaan e, so ang need for the integration of livelihood is very important,” dagdag niya.

May non-government organizations (NGOs) din aniya ang nais tumulong sa kampanya ng gobyerno at maging ang pribadong sektor din ay gustong umayuda sa nasabing inisyatiba ng administrasyon.

Tiniyak ni Soriano na hindi maglalaan ng pondo ang gobyerno para sa NGOs upang maiwasan ang korupsiyon.

“Kasi after we’ve already asked them to change, the change cannot happen just by saying, “I surrender.” That’s why the word they’re using is not anymore “surrenderees” e they’re using “surrenderee.” Kasi you’re not trying to change only an action that you do but how do you make them — help them go through new lives,” dagdag ni Soriano.

Nanawagan siya sa publiko na kung gustong makiisa sa kampanya ay makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, DILG at DoH.

“Kasi in the end, you cannot solve the problem if you cannot also give these people, 700,000. Ang projection 3 million. Three million of, that’s three percent of our 100 million population. What do you do with that? We need the help.That’s why nananawagan din po kami na if you want to help, please contact your LGUs, you contact also DILG, DoH. These are the organizations that are leading it nationally,” wika ni Soriano.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …