Monday , December 23 2024
Two business men shaking hands

Pribatisasyon ng gov’t hospital ikakansela

KAKANSELAHIN ng Malacañang ang lahat ng kontratang pinasok ng administrasyong Aquino na magsaspribado sa mga pampublikong pagamutan sa buong bansa.

Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Palasyo, paninindigan ng gobyernong Duterte ang pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

Mantsado aniya ng kaipokritohan ang administrasyong Aquino na ipinangalandakan ang slogan na nagsilbi sila sa “laylayan ng lipunan” o ang pinakamahihirap na Filipino ngunit pinagkaitan sila nang libreng serbisyong medikal.

Sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III ay pinahintulutan niya ang pagsasapribado ng 20 pagamutan  na nasa pangangasiwa ng Department of Health (DoH) sa ilalim ng public-private partnership program (PPP).

Kabilang sa ipinasok sa PPP projects ang mga kontrata ng Philippine Orthopedic Center na nagkakahalaga ng P5.6 bilyon, ang P305 milyong modernization ng Cagayan Valley Medical Center, ang P696 milyon modernisasyon ng Cotabato Regional Health Center at ng East Avenue Medical Center.

Ipinasalang din ni Aquino sa bidding ang siyam na regional cancer centers sa P75 milyon kada isa; health information management systems, integrated drug testing systems, Philippine Blood Disease and Transfusion Center, National Center for Geriatric Health at picture archiving and communication system.

Noong Mayo 2014, kinompirma ni noo’y Communications Secretary Hermino Coloma Jr., na kasama sa isasailalim sa PPP ang Jose Fabella Memorial Hospital na kinokontra ng iba’t ibang grupo ng kababaihan at health workers dahil mawawalan anila ng oportunidad na makapagpagamot ang mahihirap dahil tiyak na tataas ang mga bayarin sa ospital kapag napunta na sa kamay ng pribadong negosyante.

Kamakaila’y umugong sa Palasyo na ang pakay nang pagpunta ng mag-asawang Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Dra Loi Ejercito ay upang himukin si Pangulong Duterte na payagan ang paglilipat ng Fabella Hospital, isang maternal at tertiary hospital, sa compound ng DoH sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na ang Fabella Hospital, ang Manila City Jail at Central Market ay nasa lupaing pagmamay-ari ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at napabalitang ibinenta umano ni Erap noong si dating Vice President Jejomar Binay pa ang housing czar.

Noong 2015 ay kinilala ng World Health Organization ang Fabella Hospital “as a role model of the World Health Organization-Western Pacific Region Office for its essential newborn care programs, which have been proven to reduce infant morbidity and mortality.”

Sa isang kalatas noong Sabado, hinimok ng Alliance of Health Workers si Duterte na igiit ang kanyang political will upang matupad ang hangarin ng pangkaraniwang Filipino na magkaroon nang libre, komprehensibo at progresibong heath care.

“The Philippine government can follow Cuba’s example of resisting privatization and establishing an integrated national health system that is strongly public and shouldered by government through our taxes,” ayon sa AHW.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *