Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galing ni Jay, ‘di nalalaos

LAOS or not is not the que. Nakapag-share ang aktor na si Jay Manalo na manaka-naka nating nakikita sa Till I Met You bilang tatay ni Nadine Lustre tungkol sa relasyon ng marami sa salitang “laos”.

Napagtalunan ito nang mapatungkulan ng nasabing salita ang ilang artistang nalalagay sa balita ngayon.

“Don’t say/use the term “laos”. I don’t believe in the word “laos”… Ang bagay at ang tao ay magkaiba.. Nagagamit ang word na laos para sa bagay.. at ito’y bumabalik at umiikot lang.. Ang tao kasi parang sira ulo ‘pag nakakita ng bago, nawiwindang na. Para ring sa mga artista/singer ‘pag may bago ‘yun muna ang pinapansin but in the long run, babalik at babalik din sila roon sa may pinatunayan at kadalasan ay ipina-partner pa sila sa mga baguhan!!! Nevertheless.. it’s so sad that sometimes it will pull you down but if you’re strong enough and you proved to them what’s your worth, they will still go back to you.. Saan man anggulo ng buhay o aspeto.. Recycle lang ‘yan.. Sa cellfone good example.. nakabili ako ng iphone6 tapos next week may iPhone7 na. It means laos na ‘yung fone ko agad?? So forth and so on…Pero kung alam mo ‘yung value ng fone mo!!! Papalitan mo pa ba?

“Hahaha… Don’t get offended ha…I’m just saying it kasi kahit ako man nasa katayuan ng isang taong hinahamak na laos na mao-offend ako na para bang wala akong nagawa para sa mundong ginagalawan ko…The same na ‘pag sinabi sa kaibigan ko na artista o singer, na laos na siya kasi may mga bago ng artista at mga singer ako ang unang makikipag away!”

The Lord has been so good to Jay that up to now, ang kakayahan niya bilang isang aktor doesn’t go to waste!

Nakatapos na pala ito ng dalawang indie movies. Ang isa, na lumabas siya bilang isang gay afflicted with AIDS mula sa direksiyon ni Arlyn dela Cruz ay inaabangan na! Ang Pusit. At ang isa naman na isang corrupt na Congressman na asawa ng karakter ni Assunta de Rossi naman ay sa Higanti.

At nasabi rin nito, naiiyak siya sa bagong commercial ng isang food chain ngayon. Dahil isang family man sa tunay na buhay ang aktor. Na  sa St. Paul The Apostle kayo mapapadpad sa 6 p.m. Mass, bigla na lang may magpi-”Peace be with you!” sa ‘yo na buong-buong sasabihin ang pangalan mo bilang kakilala ka niya!

Isa nga siya sa mga aktor na hindi mawawala sa listahan ng mga mahuhusay na gaganap. Mawala o sumulpot, always as good if not better than his last project!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …