TALK of the town ang trailer ng The Third Party at halos lahat ng naringgan namin ng positibong feedback ay gustong panoorin ito at hinihila na ang petsang Oktubre 12, ha, ha, ha.
At kung ibabase namin ang magagandang feedback na narinig namin tungkol saThe Third Party, sure hit na ito sa box office.
“Ang cute niyong tatlo, bagay sa kanila ang mga papel nila, ang ganda ng chemistry nina Sam (Milby) at Zanjoe (Marudo), ha, ha, ha,” ilan lang ito sa narinig naming usapan sa mall.
‘Pag nagkataon, masusundan ang movie project na ito ni direk John Paul Laxamana sa Star Cinema na ang unang nagtiwala sa kanya na gumawa ng commercial film ay ang Regal producers na sina Mother Lily Monteverde atRoselle Monteverde-Teo sa pelikula ni Kiray Celis na Love Is Blind.
Ito rin naman ang sinabi ni direk JP sa presscon ng The Third Party na napansin daw siguro ng Star Cinema ang Love is Blind na alternative ang approach kaya siya inoperan ng The Third Party.
Oo nga, who would think na ang babae pala ang lalabas na third party sa isang relasyon ng dalawang bading? At kung tama ang pagkakatanda namin ay unang beses itong ginawa ng Star Cinema, tama ba Ateng Maricris?
Masyadong maingat kasi ang nasabing movie outfit pagdating sa project lalo na kung ang istorya ay iikot sa pag-iibigan ng gays, pero sa Third Party, ang ganda kaya posibleng masundan ulit ito.
Narinig pa naming usapan ng mga nakapanood ng trailer at ng mga katoto na rin na napapanahon talaga ngayong generation ang mga palitan ng linya ng mga bidang sina Sam, Zanjoe, at Angel Locsin sa pelikula.
May nagsabi pang bagay din sina Angel at Sam, ”actually, kung wala lang girlfriend si Sam, bagay sila ni Angel, pero bagay din sina Zanjoe at ‘Gel.”
Well, hintayin na lang natin kung hanggang saan makararating ang pagkakaibigan nina Angel at Zanjoe pagkatapos ng The Third Party dahil sabi naman ng aktor ay,”I’m ready to fall in love again, pero hindi ako naghahanap, kung darating-darating.”
Hala, pareho sila ni Angel ng dialogue, ”hindi ako naghahanap ngayon, ate Reggs, hindi rin ako nag-e-entertain, pero kung may darating, tingnan natin, so far enjoy ako being single, tara, isaw tayo.”
Naloka kami dahil sobrang conscious sa health niya si Angel sabay yayang kumain kami ng isaw sa may UP Campus dahil masarap at malinis daw doon.
Hindi ba kasama sa The Third Party ang eksenang kumain sila ng isaw, Ateng Maricris? Ito pala ang bonding moment ng tatlong bida, mamapak ng isaw.
FACT SHEET – Reggee Bonoan