Monday , December 23 2024

Leni atat sa foreign aid (Next generations balewala) — Digong

100716_front

ATAT sa foreign aid si Vice President Leni Robredo at walang pakialam kung sisirain ng illegal drugs ang susunod na henerasyon ng mga Filipino.

Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camp Rafael Rodriguez sa Butuan City kagabi.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya, mas gugustuhin niyang alipustahin ng mga kumokontra sa kanyang drug war, manindigan sa dignidad ng Filipinas kaysa matulad sa mga bansa sa South America na bumagsak sa kamay ng narco-politicians.

Giit ng Pangulo, wala siyang pakialam kung hindi nauunawaan ng Amerika, United Nations at European Union ang isinusulong na drug war ng kanyang gobyerno.

Hindi aniya siya nangangamba, gaya ni Robredo, alisin man nila ang ibinibigay na aid sa Filipinas dahil kailangan nang manindigan laban sa illegal drugs upang maisalba ang bansa, lalo ang susunod na mga henerasyon.

“That statement from mayor or president does not have criminal liability, I just like to give an advice to all human rights now, international and local, I say you can go to hell. It’s never wrong for a president for police and military to protect it’s citizens it’s self preservation not only for us… if you want to be like Escobar in Latin American countries who are all failed states because of drugs hindi masama if I go overboard shouting hell I’ve been hurled insults. The President, EU and all, ang masama pa threaten n’yo meron tayo official si Leni na we lose the international assistance,” anang Pangulo.

“You know, mamili kayo the crumbs of the favor ng ibang nasyon aasa tayo sa assistance nila or we make a stand that this country has to survive that this country must see to it that the next generation is protected? Because if we don’t interdict this evil of drugs, ang mga anak natin ang mga apo natin reckon from where I stand now, kawawa sila, it was not until I became pres na nakita natin widespread danger na ‘yan,” aniya.

Giit ng Pangulo, kailanma’y hindi mangangayupapa ang Filipinas sa abuloy ng ibang bansa, handa siyang mamatay sa gutom kaysa ikompromiso ang dignidad ng bansa at maging sunud-sunuran sa dikta ng US, UN at EU.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *