Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

100 days satisfaction rating ibinida ng Palasyo

IBINIDA ng Malacañang ang nakuhang 64 porsiyentong net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang 100 araw sa puwesto.

Ang pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) ay isinagawa sa pagitan ng September 24 at 27 sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Isinagawa ang survey sa kalagitnaan ng kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Duterte sa international organizations gaya ng United Nations (UN), European Union (EU) at Estados Unidos.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, ito na ang pinakamataas na 100-day satisfaction rating mula nang makuha ni dating Pangulong Fidel Ramos ang 66 porsiyento.

Ayon kay Andanar, sumasalamin itong masaya at kontento ang taongbayan sa performance ni Pangulong Duterte sa unang tatlong-buwan panunungkulan.

Kabilang sa nakakuha rin ng ‘very good’ na rating sa unang tatlong buwan ay sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Pangulong Joseph Estrada na kapwa nakakuha ng 60 porsiyento, habang 53 porsiyento kay dating Pangulong Cory Aquino.

Si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nakakuha ng 24 porsiyento na maituturing na ‘moderate’ o katamtaman lang.

FIRST 100 DAYS NI DIGONG
APRUB SA THINK-TANK NI FVR

BUKOD-TANGI ang mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang 100 araw na panunungkulan sa bansa.

Sa press briefing sa Palasyo ay naimbitahan si dating National Security Adviser Jose Almonte, sinabi niyang bilib siya sa mga hakbang ng Pangulo sa tatlong pangunahing problemang kinakaharap ng Filipinas na ilang dekada nang tinutugunan ngayon.

Inihalimbawa niya ang internal problem na tinaguriang pinakamahabang communist insurgency sa buong mundo ngunit umuusad na ngayon ang peace talks sa National Democratic Front (NDF) at ang negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Pangalawa, ang tinawag niyang broken politics sa bansa na iilan lang na napabilang sa special group na bumabalangkas ng polisiya para sa buong bansa ngunit ngayon may ilang miyembro sa gabinete ang mula sa makakaliwang grupo.

At pangatlo, ang suliranin sa pagpapatakbo nang pagnenegosyo sa bansa na kontrolado ng politika at ang politika naman ay hawak ng iilang mayayaman at makapangyarihang negosyante na binubuwag na ng Pangulo.

“This is what President Duterte is primarily addressing. If we can solve these three basic problem the nation can be rich in a decade or so or less if it is derailed it will be tragic for all of us,” aniya.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …