SA isang umpukan na dinaluhan ng mga boss at ng mga taga-creative team para sa sumablay na joint project ay nagkapikunan ang dalawang panig (hulaan n’yo na lang kung taga-TV o taga-pelikula ang mga nagmimiting).
Kapwa kasi nagtuturuan ang dalawang kampo kung kanino dapat ibunton ang sisi kung bakit ‘di gaanong kinagat ng mga manonood ang kanilang inihaing palabas.
Ito ang sarkastikong paliwanag ng isa sa mga boos, ”Eh, kasi naman, dyinodyowa ng mga bakla ang mga artistang lalaki rito, ‘no!”
Ikinapanting naman ‘yon ng isang taga-creative na nagkataong beki. Agad itong tumayo sa kanyang kinauupuan, sabay hinarap ang nagpatutsadang boss, ”Mga bakla lang ba rito ang dyumodyowa sa mga artistang lalaki natin? Eh, mga tomboy dito, hindi nagdyodyowa ng mga artistang babae?!” sabay walk out.
Your turn to guess. ( Ronnie Carrasco III )