MAIKLI ang memorya ng mga Filipino sa international media at tila nalimutan na ang kamakaila’y sumikat na kabayanihan ni Heneral Antonio Luna na lumaban sa mga manlulupig na Amerikano kasabay nang pagdisiplina sa hanay ng mga rebolusyonayong Filipino.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan, si Hene-ral Luna ang katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagmamahal sa bayan at pagpurga sa mga anay sa serbisyo-publiko, at hindi ang berdugong si Adolf Hitler ng Alemanya.
Mali aniya ang international media sa pagpinta sa imahe ni Pangulong Duterte bilang mamamatay tao at sangkot sa “genocide” gaya ni Hitler dahil ang target ng drug war ng administrasyon ay mga kriminal at hindi mga inosenteng sibilyan.
Gaya ni Heneral Luna, ang isinusulong ni Duterte ay pagmamahal sa bayan, pagtatakwil sa korupsi-yon at paglaban sa dominasyon ng Amerika.
Giit ng Palace official, tulad ni Heneral Luna, si Duterte ay kinamumuhian ng mga tuso at magnana-kaw sa gobyerno na ang nais ay manatiling mahirap ang mayorya ng populasyon ng bansa habang sila’y nagpapasasa sa kapangyarihan at na-kikipagsabwatan sa oligarka at mga dayuhan upang maprotektahan ang kanilang mga interes.
Aniya, ang estriktong disiplina ni Heneral Luna ay walang ipinagkaiba sa babala ni Pangulong Duterte sa mga nasa gobyerno na sangkot sa kriminalidad, partikular sa illegal drugs.
“Sa Artikulo Uno ni Heneral Luna ay idineklara niya na ang sino mang rebolusyonaryo na hindi lalahok sa digmaan laban sa Amerika ay papatayin at hindi na daraan sa paglilitis. Ito ang ikinatakot ng mga mandirigmang Pinoy noon kaya sumunod kay Heneral Luna at puspusan na nilabanan ang tropang Amerikano,” ayon sa Pa-lace official.
Si Duterte aniya ay ‘narco list’ ang hawak at nilalagare ang mga kampon ng pulis at militar para ipaliwanag ang mahalagang papel nila sa drug war sa layunin na isalba ang susunod na henerasyon at hindi mapunta sa kamay ng narco politicians ang ating bansa gaya ng Mexico at ilang bansa sa South America.
Nakalulungkot aniya na imbes suportahan ang adbokasiya ni Duterte ay mga kapwa Filipino sa international media ang tila nagiging kasabwat ng narco politicians na nais ibagsak ang gobyerno.
“Well placed na ang sindikato sa tatlong sa-ngay ng pamahalaan kaya pinagtutulungang ibagsak si Presidente Duterte ng mga nasagasaan ng kanyang drug war ng mga tiwali sa ehekutibo, lehislatura at hudikatura na ka-sabwat ng mga luhaang dilawan gaya nang ginawang pagtatraydor kay Heneral Luna ng pangkat ni Emilio Aguinaldo na kakutsaba ang Amerika sa pagpaslang sa heneral,” ayon sa source.
Ilang beses nang tinukoy ng Pangulo na ‘dilawan’ ang pasimuno sa destabilisasyon laban sa kayang gobyerno.
Ngunit sa laki aniya nang nakuha niyang boto at taas ng kanyang popularidad ay mahihirapan ang mga kalaban niya na patalsikin siya sa puwesto.
Isiniwalat din ng Pangulo na nabalitaan niya na nais siyang itumba ng Central Intelligence Agency (CIA) na nakabase sa Amerika.
Sa Hitler remarks
DIGONG NAG-SORRY SA JEWS
HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community kaugnay ng kanyang kontrobersiyal na pahayag hinggil sa Nazi leader na si Adolf Hitler.
Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ika-37 taon na pagdiriwang ng Masskara Festival sa Bacolod, ang mga tao mismo ang nagsabi noon na mamamatay-tao siya at inihalintulad pa siya kay Hitler kaya’t sinabi niya na isa siyang killer.
Pagkatapos ng kanyang pahayag ay nag-react agad ang Jewish communities sa buong mundo.
Ngunit iginiit ng Pangulo, wala siyang intensiyon na maliitin ang alaala nang mahigit anim milyong Jews na pinatay ng Germans.
“I would like to make it now, here and now, that there was never an intention on my part to derogate the memory of the six million Jews murdered by the Germans,” paliwanag ni Duterte.
Nabatid na nakisali na rin ang United Nations (UN) sa chorus reaction ng international community sa kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni UN Special Adviser on the Prevention of Genocide Adama Dieng, nakaaalarma ang mga pahayag ni Duterte.
ni ROSE NOVENARIO