HINDI ako nakikipag-usap sa kriminal.
Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit ni convicted kidnapper Jaybee Sebastian na makipag-usap sa kanya at ikakanta ang lahat ng kanyang nalalaman, hindi sa Kongreso.
“I do not talk to criminal. He can go to the Fiscal if you want or maybe write a letter to Secretary Yasay, if that is a feasible—I cannot. What? He has a problem now?” ayon sa Pangulo.
Sinabi ng Pangulo, karma ang dumapo kay Sebastian na nagpasasa sa luho mula sa kinita sa illegal drugs.
“Sinasabi ko hiningi ninyo lahat iyan e. I’ve been telling everybody, iyong drugs na iyan hiningi ninyo sa buhay ninyo, dadating iyan. I said be careful of what you wish for or what you want because you might get it — dreaming of money, living in filth of the… wallow with several… at the expense of your fellow human beings, it will come. There’s always the comeuppance and the law of karma. I assure you that is a very valid universal statement,” giit niya.
Si Sebastian ang tinukoy ng Pangulo kamakailan na ‘sexual asset’ ni Sen. Leila De Lima at inatasan magbenta ng illegal drugs upang makapangalap ng pondo para sa kandidatura ng senadora noong nakalipas na halalan, batay sa testimonya ng ilang saksi sa Kongreso.
Nasugatan si Sebastian nang magkaroon ng riot sa Bldg. 14 ng NBP at sa takot sa panganib sa kanyang buhay ay nais magtapat sa Pangulo ng mga impormasyon.
( ROSE NOVENARIO )