PURING-PURI pa rin si Arjo Atayde sa napakahusay niyang pagganap bilang kontrabida sa FPJ’s Ang Probinsyano at lume-level daw siya kina Albert Martinez at Eddie Garcia na gumaganap namang tatay at lolo niya sa serye.
Ang galing nga naman ni Arjo bilang si Joaquin sa FPJAP episode noong Biyernes nang inambus ang nanay at kapatid niyang babae hanggang sa namatay ang huli at nag-breakdown siya sa morgue.
“Ang galing niyang umiyak talaga, walang effort,” sabi ng ilang katoto.
At sa anniversary presscon ng Ang Probinsyano ay natanong ang aktor kung paano niya pinaghahandaan ang mga eksena niya at hindi ba siya nahihirapan dahil isang taon na siyang kinamumuhian ng lahat dahil sa pagiging masama niya?
“Mahirap din po at the same time madali lang din kasi magaling din naman ‘yung mga kasama namin, so give and take po. Kahit sinong maka-eksena ko na nagbibigay ng emosyon, na-absorb ko, madadala at madadala ka ng kaeksena mo, but basically, to answer the question, mahirap po talaga.
“You only do what the character requires, I don’t know up to what extend my character can do, but as of now, I’m focus one at a time. Each and every experience na pinasok ko ‘to, ninanamnam ko at hindi ko iniisip ahead (anong mangyayari sa susunod), kundi ‘yung ngayon, kung ano ang kaya kong gawin at pagandahin,” katwiran ng aktor.
Hindi ba kabado si Joaquin na maraming magalit sa kanya.
“Hindi naman po, kasi for me, it’s just a job and nothing more than that and I love it.
“It’s my girlfriend and love of my life acting and it’s a job so for me, so if I can get in a character, I want as much as I want to say I’m doing method, wala tayong oras para gawin ‘yun.
“But as far as I’m concerned, I’m slightly doing it in a way na I believe my character and I love my character in each every experiences,” paliwanag mabuti ng binata.
May bashers na ba si Arjo? “Mayroon din naman po, but that’s very rare, kasi naman ang mga viewer natin ngayon ay very smart.
“Mga basher, hindi ko naman masyadong pinapansin, actually wala naman, pero hindi maiiwasan and I don’t think reading whatever messages (mayroon ako).”
Samantala, ang terminong ‘kontrabida’ ay hindi masama para kay Arjo.
“Actually, for me it’s a different, ang kontrabida the way I saw it before and as I learned through the years, pag sinabing kontrabida, masamang tao, no, it’s not that.
“Ang kontrabida pala has a different belief and each and every person on us, so practically, that’s my logic right now of being a kontrabida, I’m not bad. I just had another belief. I have big responsibilities and doing,” katwiran nito.
Makababawi ba si Arjo sa bandang huli o may redeeming factor ba ang karakter niya bilang si Joaquin na masamang pulis?
“Redeeming value, that’s the Filipino value look for, that’s why nagkakaroon ng (good side) sa dulo, my humanity.
“Me? Am I looking for one now? No I’m not. Kasi if it comes’ it comes, for me what I’m doing is wrong and know it’s wrong but that’s what I’m born to be,” paliwanag ni Arjo.
Gusto ring gumawa ng aktor ng romantic comedy movie, “gusto ko naman po, but honestly speaking, puwede naman akong maging kontrabida for teleseryes and doing rom-com is something I want to do it and some other roles para makita ko and knew it, to explore. So from there, gusto ko munang makita kung ano talaga ang strength ng weakness ko.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan