Monday , December 23 2024

Magkaisa vs destab plot kay Duterte (CCP nanawagan)

100416_front

NANAWAGAN ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa samba-yanang Filipino na magkaisa para labanan ang ano mang pakanang destabilisasyon ng Amerika laban kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang posturang kontra-US.

“The Filipino people must unite against any attempt of the US government to undermine Philippine national sovereignty and subvert efforts of the Duterte regime to promote an independent fo-reign policy,” pahayag ng CPP sa kalatas kahapon.

Kinondena ng CPP ang tahasang pagbabanta ni US Assistant State Secretary Daniel Russel na napakalaking pagka-kamali ng Filipinas na maliitin ang kapangyarihan ng pagkampi ng publiko sa US na aniya’y “people power.”

“I think it would be a serious mistake in a de-mocratic country like the Philippines to underestimate the power of the people’s affinity for the US. That’s people power,” ani Russel batay sa ulat ng media.

Ang babala ni Russel ay bunsod nang pagbatikos ni Duterte sa pakikialam ng US sa drug war ng kanyang administras-yon na aniya ay mantsado ng kaipokritohan ang Amerika na mas mara-ming inutang na dugo sa iba’t ibang bansang sinakop o pinabagsak ang kalabang lider.

Giit ng CPP, hindi na nakapagtataka kung nakikipagkontsaba ang US sa lokal na grupong anti-Duterte at mga pa-ngunahing opisyal ng hukbong sandatahan para pabagsakin ang kontra-Amerikang administrasyon.

“With the anti-US Duterte regime, it is will come as no surprise that the US is already conni-ving with local anti-Duterte groups as well as with key officials of the armed forces, to undermine and subvert the anti-US government,” sabi ng CPP.

Dapat anilang ser-yosohin ni Duterte at ng sambayanang Filipino ang banta ng US dahil mahaba na ang listahan ng mga kasalanan ng US sa pagiging utak nang pagpapabagsak ng mga gobyernong tumutol sa kanilang pakikialam.

“The Duterte regime and the Filipino people must take this US threat seriously. Over the past several decades, the US government has long carried out both outright and clandestine acts of subversion wherever governments have stood up to defend their national interests and chose to tread a path independent to US geopolitical and economic interests,” sabi ng CPP.

Pamoso anila ang US sa paulit-ulit na pagplano at pagkabigo sa asasinasyon kay Cuban leader Fidel Castro, paglason kay Venezuelan leader Hugo Chavez at pagpaslang kay Chilean President Salvador Allende.

Si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ay pinalayas at idineklarang persona non grata sa Bolivia sanhi nang pakikipagsabwatan sa local na oposisyon para patalsikin si President Evo Morales.

Si Goldberg ay tinawag na ‘bakla’ ni Duterte nang magbigay ng komentaryo nang ginawa niyang biro ang rape-slay sa Australian missionary sa Davao City noong dekada ’80.

“The US is known to have repeatedly planned and failed to carry out the assassination of Cuban leader Fidel Castro and is accused of carrying out the murder by poisoning of Venezuelan leader Hugo Chavez. Outgoing US ambassador to the Philippines Philip Goldberg was once declared persona non grata in Bolivia for having connived with local oppositionists to plan the overthrow of President Evo Morales,” anang CPP.

Sabi ng CPP, sa mga nagdaang taon ay tinustusan ng US ang right wing groups sa Ukraine na nagpasimuno sa pagpapabagsak sa pro-Russian government at sa samot-saring pakulo ay inilunsad ang wars of aggression upang patalsikin ang gobyernong Taliban sa Afghanistan, ang pamahalaang Saddam Hussein sa Iraq at rehimeng Muammar Qadaffi ng Libya at iba pa.

Aroganteng pinanindigan ng US ang pagtalaga sa sarili bilang pulis ng buong mundo at inutusan ang lahat ng mga bansa na sundin ang mga itinakda nitong mga patakaran, dagdag ng CPP.

“The US has arrogantly assumed the self-assigned role of global police and demanded all countries to comply with the rules it has itself set. It has fomented social unrest and has bankrolled so-called social movements with the aim of subverting legitimately elected governments,” giit ng CPP.

Hinimok ng CPP si Duterte na ipagpatuloy ang planong paghiwalay sa kuko ng Amerika at pagtuldok sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

“The abrogation of the EDCA has become an urgent matter amid growing threats by US officials against the Duterte regime,” wika ng CPP.

ni ROSE NOVENARIO

KUDETA VS DUTERTE POSIBLE — EVASCO

NANANATILING posible ang kudeta laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, pahayag ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco.

Ito ay dahil mayroong mga personalidad na hindi masaya sa pamamalakad ni Duterte sa administrasyon, katulad ni Senador Antonio Trillanes IV at Liberal Party, aniya.

Gayonman, sinabi ni Evasco, ang kudeta ay hindi magtatagumpay dahil sa high trust rating ni Duterte.

Hindi ibinunyag ni Evasco kung saan niya nakuha ang impormasyon kaugnay sa namumuong kudeta.

Sa kabilang dako, itinanggi ni Trillanes na siya ang nasa likod ng sinasabing planong kudeta.

“Hindi po totoo ‘yan at wala po akong kinakausap na mga miyembro ng Liberal Party o kung sino man ukol sa ganyang bagay. Ako po’y naniniwala na ‘yan ay panlilinlang dahil sila ay humaharap ng kaliwa’t kanang pagbabatikos,” pahayag ni Trillanes.

Wala pang komentao ang Liberal party kaugnay sa pahayag ni Evasco.

Wala rin ibinigay na komentaryo ang Armed Forces of the Philippines kaugnay sa isyu at sinabing biniberipika pa nila ang impormasyon.

WESTERN MEDIA PINOPONDOHAN NG DRUG MONEY

HUWAG basta maniwala sa mga naglalabasang balita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa “US-sponsored Western media” dahil ito’y tinutustusan ng drug money.

Ito ang paalala ng isang mataas na opisyal ng Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Aniya, ang black propaganda kontra administrasyon ay may bakas ng anino ng mga taksil sa bayan na tatadtarin si Duterte gaya nang ginawa kay Heneral Luna ng mga elitista noong giyera ng Filipino at Amerikano.

Giit niya, gaya ni Heneral Luna na niluto ng US at mga Pinoy na elitista sa pangunguna nina Emilio Aguinaldo at Felipe Buencamino ang pagpatay para mabuhusan ng malamig na tubig ang rebolusyong anti-US, pinagtutulungan din si Duterte nang sabwatang narco-politicians at Amerika para ibagsak o ipatumba dahil sa masidhi niyang adbokasiya na magpatupad ng independent foreign policy at masugpo ang illegal drugs at korupsiyon sa bansa.

Kamakalawa, isiniwalat ni Duterte na kinokombinsi siya ng China na lumipat na sa kanila nang pakikipag-alyansa makaraang pintasan ang Amerika, European Union at United Nations.

Anang Pangulo, sinusulsulan siya ng China na humiwalay na sa Amerika dahil walang mapapala ang Filipinas sa US.

Sinabi ng Pangulo na para pormal na maselyohan ang alyansa ng China at Filipinas, pupunta siya sa Beijing bago matapos ang 2016.

Pabiro pang sinabi ng Pangulo sa posibilidad na maging kabarkada niya si Chinese President Xi Jinping maging si Russian President Vladimir Putin.

Sinabi ni Pangulong Duterte, inakala niyang kaibigan ang Amerika hanggang simulan siyang batikusin nang kaliwa’t kanan.

Ayon kay Pangulong Duterte, tuwing iniinsulto siya ng Amerika, parang Filipinas na rin ang kinakastigo dahil siya ay halal na pangulo ng Republika.

Ngunit tiniyak ni Duterte na kahit kakalas ang US, hindi raw magugutom ang bansa.

“So when I was being attacked left and right… I thought that America was a friend. But without even really studying the matter, itong human rights ng Amerikano and even Obama  at saka ang State Department started  to — you know, small as I am, I am your President and I represent the Republic of the Philippines. ‘Wag naman sana sa pagkatao ko. But every time you insult the Philippines or you reprimand or castigate me in public, you are really crucifying the Filipino people,” ani Pangulong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *