Monday , December 23 2024

3rd narco-list ihahayag pagbalik ni Duterte (Mula Vietnam trip)

ARAYAT, Pampanga – Nakatakdang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte pagbalik mula Vietnam, ang mga opisyal na kasama sa aniya’y “third and final” narco-list.

Sinabi ni Pangulong Duterte, marami sa narco-list ay mga barangay captains, mayor, congressman, gobernador at opisyal ng PNP.

Ayon kay Pangulong Duterte, dumaan na sa ika-apat na re-validation ang hawak niyang listahan.

Si Pangulong Duterte ay aalis ngayong hapon para sa kanyang state visit sa Vietnam at babalik ng bansa sa Setyembre 29.

DIGONG NAG-SORRY KINA ESPINO,
2 PANG SABIT SA DRUG LIST

HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong personalidad sa kanyang pagkakamali nang paratangan niyang kasabwat sila ni Sen. Leila de Lima sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sa kanyang talumpati nang inspeksyonin ang abandonadong shabu laboratory sa Lacquios, Arayat, Pampanga, inamin ng Pangulo na inaako niya ang responsibilidad sa pagkakamali nang isama sa NBP drug matrix sina dating Pangasinan Governor at ngayo’y Pangasinan 5th District Representative Amado Espino Jr., Pangasinan Provincial Administrator Raffy Baraan at provincial board member Raul Sison.

“In so far as the drugs, I think that somehow we were negligent in counter-checking the first report. So kay Espino and even to Sison and to Baraan… I would like to apologize to you publicly. I am very sorry,” ayon sa Pangulo.

Napuna ng Pangulo na sa isinumite sa kanyang mga impormasyon ay may puwang sa koneksiyon nina Espino, Baraan at Sison sa operasyon ng illegal drugs sa NBP.

“I had it validated four times. Tiningnan ko kagabi ‘yung report, dala ni PDEA… there’s a gap there that cannot be explained why his name was there. Pinag-aaralan ko talaga nang ilang gabi ‘yung report ng pulis, barangay captain, the DILG, the latest,” sabi niya.

Ngunit positibo aniya sa isyu nang pagkakasangkot sa black sand mining sa Pangasinan at sa katunayan ay umakyat na sa Sandiganbayan ang kaso laban sa kanila.

Nanindigan ang Pangulo na sabit talaga sa illegal drugs trade sina De Lima, dating Justice Undersecretary Francisco Baraan at driver-lover ng senadora na si Ronnie Dayan.

Batay sa isiniwalat na drug matrix ng Pangulo noong nakaraang Agosto, tinukoy ang koneksiyon nina De Lima at dating Bureau of Corrections chief Frank Bucayu, at ni Dayan na “case fixer” sa “well-known politicians” sa Urbiztondo, Pangasinan.

May buwanang payola si Dayan mula kay Bucayu na ipinarating sa isang pulis na kaanak nito.

Drug user din si Dayan, sabi sa matrix, at nakatanggap ng isang house and lot, Montero, Kia Sedan, at pera mula kay De Lima.

Naging dummy ni Dayan sa kanyang properties ang isang “Ms. Cardenosa” na empleyado sa lokal na pamahalaan ng Urbiztondo.

( ROSE NOVENARIO )

MEGA SHABU LAB TATAYUAN
NG REHAB CENTER — DIGONG

ARAYAT, Pampanga – Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkompiska o pag-sequester sa ari-ariang kinatatayuan ng shabu laboratory.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pag-inspeksiyon sa nasabing shabu laboratory sa Lacquios, Arayat, Pampanga.

Sinabi ni Pangulong Durerte, balak niyang ipagawang rehabilitation center ng drug addicts ang nasabing ari-ariang pagmamay-ari ng isang Sunday Chua.

 ( RAUL SUSCANO )

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *