Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart willing gumawa ng movie kasama si Echo

Anyway, naglalaman ng pelikula at TV commercials ang pinirmahang kontrata ni Heart sa Viva sa loob ng dalawang taon at nakaka-limang taon na siya kina boss Vic at Ms. Veronique.

Kino-conceptualize pa ang gagawing pelikula ni Heart sa Viva, “akala kasi nila (management) hindi na ako magmo-movies, sabi ko gagawa ako, at least one movie in two years? Okay ako gumawa.”

At dahil nagko-co prod naman ang Viva Films at Star Cinema sa mga pelikula nina Anne Curtis at Vice Ganda, willing ba si Heart gumawa ng pelikula kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales?

Ang bilis ng sagot ng aktres, “Of course!  You know, at the end of the day, we got bills to pay, we’re gonna be practical.”

Okay na ba sila ni Echo? “I don’t know, kasi after the break-up wala na, hindi na kami nagkita. Okay lang siguro (maging okay). I don’t know, ask him (Echo). I’m okay, I’ve been okay, there’s no issue.”

Sabi pa, “I have no problems working with him (Echo).”

Gayundin ang asawang si Senator Chiz kung magkaka-project sila ni Echo, “he has no problem.”

Napapanood ba ni Heart si Echo sa TV o nakikita sa print o sa billboard at ano ang nararamdaman niya?

“Minsan. Okay naman. We didn’t have a problem with each other naman talaga, it’s a known fact that it was my parents who didn’t want us together, so I don’t at all hate him (Echo),” pag-amin ni Heart.

May closure na ba sina Echo at Heart? Parang wala pa kasi biglang nabalitang hiwalay na sila pagdating ng aktor galing ng Malaysia na nag-shoot ng seryeng Kahit Isang Saglit kasama si Carmen Soo.

“Yes!  He got married and I got married, that’s good enough closure,” mabilis na sabi ng aktres.

Biro pa ni Heart, “tulad nina Jennifer Aniston (Brad Pitt), may closure na ‘di ba?”

Ang galing ng sumagot ngayon ni Heart, naturuan ba siya ng asawang senador, “no, life taught me,” mabilis na sagot nito.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …