Monday , December 23 2024

Duterte: Siguradong makukulong si De Lima

SINABI ni PRESDU30 sa Malacañang noong Lunes, “Makukulong talaga siya, sigurado ‘yan because of the testimonial evidence” na ang tinutukoy ay si Sen. Leila De Lima.

Ayon kay PRESDU30, matapos ang hearing sa kongreso, ipa-file na ang criminal charges laban kay De Lima. Marami raw nakaabang na kaso kay De Lima, which are not bailable.

Gusto pa sana ng pangulo na siya sana ang mismong magtanong kay De Lima, naniniwala rin siya na may sexual relationship sina De Lima at JB Sebastian. Nawawalan nga raw siya ng gana kumain ‘pag nakikita niya ang umano’y sex video ng senadora.

Nagalit nang husto si PRESDU30 kay De Lima , dahil naniniwala siya na ginagamit ni De Lima ang isyu ng extrajudicial killings para sirain siya.

BATO, HINDI SASANTUHIN
KAHIT MGA ARTISTA
SA WAR ON DRUGS

“Itokhang natin sa kani-kanilang bahay, kaniya- kaniyang TV station, surrender na kayo, kasi identified kayo na drug user.”

‘Yan ang mga salitang  nagmula kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa noong Lunes.

Hindi pa man din naibibigay ni PRESDU30 ang bagong listahan ng mga suspected pusher at user. Kabilang na ang mga pangalan ng ilang celebrity. Walang takot na sinabi ni Bato na itotokhang agad ang mga artista na mapapabilang sa listahan.

Dagdag niya, “Tinokhang nga natin iyong mga high end na subdivisions, sila pa na public figures. They should be open to the public, huwag nila lokohin.”

SIGNAL JAMMERS
ILALAGAY SA BILIBID

Isang negosyanteng Filipino na ‘di pinangalanan ang nag-donate ng dalawang signal jammers na ilalagay sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Ito ay para maiwasan ang mga ilegal na gawain sa loob, kabilang ang drug transactions.

Maba-block nito ang mga cellphone, internet at TV signals. Ang signal jammers ay ginawa sa South Korea na nagkakahalaga ng P2M each ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II. Dagdag niya, kailangan nila nang mas maraming signal jammers para ma-cover ang buong NBP.

PRICE FREEZE
HANGGANG
NOVEMBER PA

September 4 nang simulan ang Prize Act pagkatapos ang nangyaring pambobomba sa Davao City ay nagdeklara si PRESDU30 ng State of National Emergency.

Dahil sa Price Act, naka-price freeze sa mababang presyo ang basic needs, katulad ng bigas, gatas, tinapay at sardinas. Ngunit ang LPG at kerosene ay hindi kasali dahil meron lamang 15 days sa price control.

Hanggang November 3 lang ang price freeze kaya nangangamba ang mga consumer na magtataas ang presyo ng iba’t ibang produkto pagpasok ng December.

Ang sino mang mahuhuling lalabag sa Price Act ay pagmumultahin ng P5,000 – P1M at maaaring makulong hanggang 10 years.

MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *