Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mystica, naghihirap na raw kaya tinalikuran na ng pamilya

MULA SA isang texter ay pinaksa namin kamakailan sa radio program na Cristy Ferminute ang scoop na naghihirap na si Mystica.

Ayon sa aming impormante, namamalimos na lang daw ngayon ang tinaguriang Split Queen at Rock Diva.

Pinasadahan namin ang Facebook wall ni Mystica, naroon din kasi ang kanyang video na nagpakawala siya ng katakot-takot na P.I. kay Cristy Fermin pagkatapos ipaalam sa kanya ang tungkol sa naging topic namin sa ere.

Pero mas papaksain namin ang separate video (hindi ang patungkol kay Tita Cristy) na may running time na mahigit apat na minuto.

Ang eksena, may kausap si Mystica sa kanyang cellphone. Mula ‘yon sa isa niyang tagpagtanggol sa social media who was calling from Cebu.

Isang humahagulgol na Mystica ang makikita roon habang ikinukuwento nga niyang halos mamalimos na lang sila ng asawang si Kid Lopez para may makain.

Gumaling man ang kanyang impeksiyon sa lalamunan ay ikinatakot naman ni Mstica that her blood infection might lead to leukemia.

Kapansin-pansin lang ang kuwento niya tungkol sa kanyang mga anak na isa-isa na raw nanligwak sa kanya: ang kanyang kuya, ate, at anak. Wala na raw natira sa kanyang mga kadugo na noong panahong nananagana siya sa pera ay tinulungan niya.

Worse, sa halip na unawain daw ang kanyang katayuan ay ipino-post pa raw ng mga ito ang kinasadlakan niya at saka pinagtatawanan. Hindi tuloy napigilan ni Mystica na sumambulat sa galit, ”Napakawalanghiya nila!”

Ayaw naming husgahan si Mystica, pero mag-iiwan kami ng tanong para sa kanya: hindi ba’t kung tinalikuran na tayo ng buong mundo ay mayroong pamilyang sasalo sa atin, bakit sa kaso niya’y tila wala na siyang natirang kakampi sa buhay?

Just asking.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …