Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Prejudicial ang UN at EU

We must become bigger than we have been: more courageous, greater in spirit, larger in outlook. We must become members of a new race, overcoming petty prejudice, owing our ultimate allegiance not to nations but to our fellow men within the human community. — Haile Selassie

PASAKALYE:

Nagbalikbayan ang isang kaibigang seaman ng inyong lingkod at dito sa aming abang dampa sa Maypajo, Caloocan City nanuluyan pansamantala para makapagtipid, kasama ang dalawa niyang anak na galing pa sa Iloilo. Siyempre, siksikan grande sa aming kuwarto nang matulog kami—nagmistulang 555 na de lata, parang sardinas. Pero enjoy naman kami dahil iba kung tunay ang pagkakaibigan sa isa’t isa, ‘di po ba?

Iba talaga ang may pinagsamahan…

SA pahayagan, nabasa po natin ang pangingialam ng United Nations (UN) at European Union (EU) sa ating bansa sanhi umano ng “escalating number of extrajudicial killings” na nagaganap dito sa Filipinas.

Nagtataka tayo kung bakit ngayon sa panahon ng ating Pangulong RODRIGO DUTERTE ay saka sila nag-react sa mga sinasabing patayan, yamang ang mga napapatay naman ay pawang mga pusakal na kriminal at mga taong sangkot sa ilegal, partikular sa kalakalan ng ipinagbabawal na droga.

Bakit kaya noong sina IDI AMIN ng Uganda, POL POT ng Cambodia at maging ang yumaong Pangulong FERDINAND MARCOS—kung kailan laganap din ang sinasabing EJK, o tinatawag na ‘salvaging’ — ay hindi nag-react ang UN?

Prejudicial ba ang UN at EU kay Pangulong DIGONG dahil ibinulgar ng ating punong ehekutibo ang tunay na agenda ng mayayamang bansang miyembro ng dalawang organisasyon?

Kayo na po ang humusga…

Good news sa pahayagan

TUNAY na masarap magbasa ng diyaryo sa umaga kung ang mababalitaan sa mga pahayagan ay good news katulad ang pagsuko sa militar at lokal na opisyal ng Sumisip, Basilan ng 20 miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG. Sinong mag-aakala na takot rin pala mamatay ang mga terorista dahil alam nila na tinutugis na sila ng mga militar. Sana nga ay magbalik-loob na sa pamahalaan ang mga tulisan dahil magbibigay-daan ito sa payapa at maunlad na Basilan na talaga naman kinatatakutan dayuhin sa pangamba ng pangingidnap at karahasan. Bukod sa matagumpay na opensiba ng mga sundalo kung mas marami pa ang susuko sa ASG ay tiyak rin na marami ang magbubukas na oportunidad sa mga taga-Mindanao. Magiging normal na rin ang pamumuhay ng mga residente lalo ang mga kabataan na nag-aaral dahil hindi na nila kakailanganin pa lisanin ang kanilang mga tahanan para magtago at hindi madamay sa gulo na dulot ng teroristang grupo. — Glenda M. Castro, social worker (glenacastro @openmailbox.org, Setyembre 23, 2016)

Unlimited tumanggi si De Lima

UNLIMITED na ang mariing pagtanggi ni Senadora LEILA DE LIMA na tumanggap siya ng pera sa mga drug lords at iginiit pa niyang isa itong blackmail sa kanya ng administrasyon ni Pangulong DUTERTE. Wala umano siyang natanggap kahit singko sentimo mula sa drug lord na si JAYBEE SEBASTIAN na napabalitang nag-utos sa mga gang na magbigay ng kontribusyon na 16 milyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng drugs para sa kampanya ng senadora. Ayon sa isang drug lord na si HERBERT COLANGCO P3 milyong payola buwan-buwan ang kinokolekta ng senadora para pagtakpan ang kanilang mga ilegal na aktibidad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Sabi naman ni Justice Secretary VITALIANO AGUIRRE, may isang mataas na opisyal ng gobyerno ang magpapatunay kung paano ideliber ang ‘di bababa sa 5 milyon bayad sa droga tuwing pupunta sa bahay ni DE LIMA.

Hanggang kailan kaya, kayang ipagtanggol ng senadora ang kanyang sarili sa lahat ng mga batikos sa kanya? Maging sa dumaraming testigo na nagtuturong isa siya sa naging sandalan ng drug lords upang mapalawig ang droga sa loob ng NBP. Magagawa kaya niyang panindigan ang lahat ng pagtanggi niya hanggang sa huli? — Nikki Serrano ng Baguio City ([email protected], Setyembre 19, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamatpo!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *