Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug war ‘wag itigil (Sugatang pulis kay Duterte)

KAHIT hindi makapagsalita si SPO1 Ronald Eugenio ay hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang drug war sa pamamagitan ng pagsusulat sa magic slate ang mensaheng: “Yung droga kasi kawawa ang next generation.” Binisita ni Pangulong Duterte si Eugenio sa University Medical Center sa Cagayaan de Oro City kamakalawa matapos masugatan sa inilunsad na anti-illegal drugs operations na sinimulan nitong Agosto. (MARO)

ITULOY ang drug war kasi kawawa ang susunod na henerasyon.

Ito ang mensahe ng isang pulis na nasugatan sa anti-illegal drugs operation, kay Pangulong Rodrigo Duterte nang bisitahin siya sa University Medical Center sa Cagayan de Oro City.

Kinumusta ni Pangulong Duterte sa pagamutan si SPO1 Ronald Eugenio na magda-dalawang buwan nang nakaratay mula nang masugatan nang mauwi sa barilan ang isinagawang surveillance operations laban sa isang drug suspect noong Agosto 16.

Dahil hindi na siya makapagsalita , isinulat ni Eugenio ang kanyang memsahe sa Pangulo sa isang magic slate na karaniwang ginagamit ng mga batang nagsisimulang mag-aral magsulat.

“Yung droga kasi kawawa ang next generation,” mensaheng isinulat ni Eugenio at binasa ng Pangulo.

Bukod sa pagtiyak na maturuan ng sign languange ang sugatang pulis, sinabi ng Pangulo, tuloy pa rin ang kanyang serbisyo sa pulisya ngunit sa  opisina na lang siya magtatrabaho.

Ibinigay ng Pangulo ang pinansiyal na tulong kay Eugenio na nagkakahalaga ng P250,000 kasabay nang pagtiyak na wala na siyang poproblemahin sa hospital bill na umaabot na nang higit P2.1 milyon.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …