Friday , April 4 2025

Judge, bodyguard sugatan sa ambush

BUTUAN CITY – Sugatan ang isang judge at ang kanyang driver-bodyguard makaraan tambangan ng hindi nakilalang mga suspek dakong 7:00 am kahapon sa Purok 3, Brgy. Lemon sa lungsod ng Butuan.

Kinilala ang mga biktimang si Judge Hector Salisi, residente ng Tamarind Road sa Brgy. Dagohoy sa lungsod at nakadestino sa Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur, at ang kanyang driver-bodyguard na si PO1 Edmund Narvassa.

Sa imbestigasyon ng Butuan City Police Station (BCPS-4), patungo sana sa kanyang trabaho ang huwes ngunit pagsapit sa nasabing lugar ay hinarang sila ng gray na Montero Sports at niratrat ang kanilang sasakyan.

Ayon kay Insp. Ronilo Dormitorio, hepe ng BCPS-4, nakapagmaniobra pabalik ang driver at nakahingi ng tulong sa mga pulis sa Compaq Post ng Brgy. Villa Kananga kaya’t mabilis silang nadala sa ospital.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *