Ano ang pakiramdam ni Ms Charo na hindi napili ang Ang Babaeng Humayo para ilaban sa Oscars for the Best Foreign Language Film category?
“Siyempre, it would have been great if our film was chosen, pero iba-iba ang panlasa ng tao, eh. Iba-iba ang panlasa natin and you accept that. Kung hindi napapanahon, ‘di hindi.
“May pagka-philosophical kasi ang pagtingin ko sa buhay, eh. Kung hindi nauukol, eh di hindi naman. You just go with the flow and move on and we just be all happy for ‘Ma Rosa’,” paliwanag pa ng aktres.
Ayon naman kay Ronald na posibleng ma-nominate bilang Best Actress sa Oscar’s si ma’am Charo kung magkakarooon sila ng screening sa US na kasalukuyang inaayos nila ngayon.
Mapapanood na ang Ang Babaeng Humayo sa Setyembre 28 kasama rin sina Nonie Buenccamino, Michael de Mesa, Sharmaine Buencamino, Marj Lorico, Mayen Estanero, Romelyn Sale, Julius Empredo, Jean Judith Javier, Prescy Orencio, Jo-Ann Requiestas, at Kyla Domingo.
FACT SHEET – Reggee Bonoan