Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ako Si Josephine, madalas na star studded

STAR-STUDDED parati ang musical play na Ako Si Josephine na pinangungunahan nina Via Antonio, Joaquin Pedro, at Jon Santos na kasalukuyang ginaganap sa PETA Theater dahil halos lahat ng taga-showbiz ay paulit-ulit itong pinanonood.

Ang iba ay bumili ng isang gabi at inalok sa mga kaibigan kaya laging full house ang venue kasama na ang Dreamscape unit head na si Deo T. Endrinal na inilibre niya ang buong staff niya sa isang gabi ng musika niYeng Constantino.

Magaganda naman talaga ang mga awiting nilikha ng Pinoy Dream Academy grand winner kaya hindi nakasasawang pakinggan tulad ng Chinito na ito rin ang pangalan ng leading man ni Josephine sa play.

Napanood namin ang Ako Si Josephine sa press night at nabitin kami sa mga awitin niya dahil umabot lang sa 20 songs, hindi ba mas higit pa riyan ang hit songs ni Yeng?

Anyway, kahit na abala si Yeng bilang hurado ng Tawag Ng Tanghalan saIt’s Showtime at Pinoy Boy Band Superstar ay talagang gabi-gabi niyang pinanonood ang Ako Si Josephine sa PETA.

At sa mga gustong manood o gustong bumili ng show ay puwede kayong mamili sa mga petsang Setyembre 24 (Sabado) 3:00 at 8:00 p.m.; Setyembre 25 (Linggo) 3:00 p.m.; Setyembre 29 (Huwebes) 8:00 p.m.; Oktubre 1 (Sabado)-3:00 p.m.; Oktubre 2 (Linggo)-8PM; Oktubre 6 (Hwebes) 8PM; Oktubre 7 (Biyernes) 8:00 p.m.; Oktubre 8 (Sabado) 3:00 p.m., at Oktubre 9 (Linggo) 8:00 p.m..

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …