Monday , December 23 2024

Lamay hinagisan ng granada, 6 sugatan

TUBAY, AGUSAN DEL NORTE – Sugatan ang anim katao makaraan ang pagsabog ng granada sa lamay ng pamilya Batas nitong Martes ng madaling araw.

Kuwento ni Julius Batas, nagsusugal at nag-iinoman ang suspek na si Ruel Bahan at mga kabarkada niya sa lamay ng kanyang yumaong anak.

Umalis saglit ang grupo at nang sila ay bumalik, sinunggaban ni Bahan ang kasamang si Bryan Bagaipo.

Aniya, may dalang baril at isang granada si Bahan. Naagaw ng kapatid ni Bahan ang baril, ngunit naihagis ang granada.

Napulot ni Bagaipo ang granada at naihagis sa labas ng bahay bago ito sumabog.

Sugatan sina Bagaipo, Junrey Batas, Eugene Pilo, Jeldy Acedo at ang mga batang sina Johnny Fabia at Zella Mitch Bahan.Sumuko si Bahan makaraan matulog sa bahay ng kanyang tiyahin at mahimasmasan. Aniya, inilibre niya ng inoman ang barkada ngunit ninakawan pa siya ni Bagaipo kaya siya nagalit.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *