Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Live acting ending ng BFY, pinuri

ANG dami-dami na palang followers nina Elmo Magalona at Janella Salvador considering na isang teleserye palang ang pinagsamahan nila, ang Born For You na nagtapos na noong Biyernes sa pamamagitan ng The Concert Finale sa KIA Theater.

Akalain mo Ateng Maricris, umapaw ang buong KIA ng ElNella o SamVin (Sam at Kevin) supporters na may mga hawak na red strings at reflector bracelet kaya ang gandang tingnan sa dilim.

Matindi ang hiyawang narinig namin habang kinakanta nina Elmo at Janella ang theme song ng teleserye nilang Born For You at habang ipinakikita sa background ang mga lugar na napuntahan nila sa Japan. May mga magagandang lugar din sa London na kasama sa video.

Nagkaroon muna ng program ang buong cast habang hinihintay ang airing ng BFY na sinabayan na rin ng pasasalamat sa lahat ng hindi bumitiw sa loob ng tatlong buwan sa pangunguna Mr. Freddie Webb, Ms Gina Pareno, Smokey Manaloto, Ayen Munji-Laurel, Francis Magundayao, Katya Santos, Jimboy Martin, Ariel Rivera, Joj Agpangan, Vina Morales, Ogie, Diaz, Elmo, Janella at iba pa.

Samantala, nabitin daw ang mga nakapanood sa telebisyon sa live acting na ginawa nina Janella, Elmo, Ayen, Ariel, Vina, Ogie, at Freddie dahil kaunti lang ang ipinakita.

Intense ang eksenang habang kumakanta si Sam (Janella) ay siyang dating naman nina Marge (Ayen), Ralph (Freddie), at Desdemundo (Ogie) para pigilan ang show ng dalaga.

Ipinahiya ni Marge si Sam habang kumakanta ng awiting isinulat ni Kevin na ibinigay niya sa dalaga na pilit namang inaangkin ng ina ng binata dahil katwiran niya, siya ang legal na may-ari ng kanta dahil contract artist niya ang anak.

Hanggang sa dumating si Kevin at nakipagsagutan sa ina para ipagtanggol si Sam.

Nagulat din sina Mike (Ariel) at Cathy (Vina) at kaagad na nilapitan si Sam na hinihiya ni Marge sa napakaraming tao sa loob ng KIA Theater.

Aliw na aliw naman kami habang tumatalak si Marge at ipinahihiya si Janella ay bina-bash naman siya ng audience at nabaling sa kanila ang galit ng record producer.

Hindi ganoon kadali ang live-acting na ginawa ng major cast dahil nakikita at naririnig nila ang live audience na nagre-react habang umaarte sila mabuti at hindi sila nawala sa konsentrasyon.

Magenta ang production design ng entablado dahil Japan’s inspired ito na may temple at mga bulaklak ng cherry blossom pa na roon nagkakilala sina Kevin at Sam noong mga dalaga’t binata na sila.

Binabati namin ang Dreamscape Entertainment sa magandang pagtatapos ng Born For You.

At sa mga ElNela o SamVin fans, huwag kayong malungkot dahil may next project sila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …