Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Titser ginahasa pinatay, anak idinamay ng ‘kawatan’

CAMP OLIVAS, Pampanga – Kapwa patay ang isang titser at 10-anyos niyang anak na lalaki makaraan gahasain ang ginang at pagsasaksakin ng anak ng kanilang labandera sa kanilang bahay sa Brgy. San Jose, Lubao, Pampanga  kamakalawa ng madaling-araw.

Agad naaresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Rommel Canilao habang naka-check-in sa Twin Peaks Motel sa bayan ng Sto. Tomas sa nabanggit na lalawigan.

Inamin ni Canilao ang krimen at sinabing lasing siya nang mangyari ang insidente at tanging pagnanakaw ang kanyang intensiyon.

Gayonman, napilitan aniya siyang pagsasaksakin ang mga biktima nang magising habang hinahalughog niya ang bahay. Tinangay ng suspek ang mga alahas, gadgets at P10,000 cash.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Lubao Municipal Jail at nahaharap sa mga kasong robbery, rape with homicide, at murder.

( LEONY AREVALO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leony Arevalo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …