Monday , December 23 2024

Reklamo sa ilang public ‘negosyo’ school sa Imus Cavite (Attn: Imus DepEd)

MAY reklamong ipinaabot sa atin hinggil sa raket umano sa isang public elementary/high school sa Imus City.

Medyo takot pa ang mga magulang at titser dahil baka malagot sila sa principal at baka gantihan ang mga anak nila.

Ano ang kanilang reklamo sa school canteen?

Sila umanong mga public school titser ay inoobliga ng kanilang principal na magbenta ng food sa tray, worth more or less P200 to P400.

Ang laman ng tray ay kakanin, hotdog, ice cream, puto o kutsinta at iba pa.

Hanep ha?! Parang mini-canteen pala!?

“Kaya po, ‘yung mga anak namin, panay ang hingi ng extra money kasi inoobliga sila na bilhin ang paninda sa tray,” sabi ng isang ginang na inis na inis kasi nga pinagbababaon niya ang kanyang anak para makatipid dahil wala nga siyang extra money para ibigay sa anak.

At Kung hindi maubos ang laman ng tray, ano ang ginagawa ng mga titser?

“Bale consignment po, kung ‘di maubos, isinosoli nila kaso pinapagalitan sila ni Ma’am (principal), kaya minsan, iniuuwi na lang nila sa bahay ang paninda at aabonohan na lang para hindi mapagalitan ni Principal.

Wattafak!?

Teka, ‘di ba may school canteen sila, anong nangyayari?

“Sarado na at wala nang paninda kasi si Ma’am ‘yung food tray ng kaibigan niya ang pinapapasok sa school, kaya hindi na nag-o-ope-rate ang canteen namin,” sabi ng isang titser.

Magkano naman ang kinikita ng negosyong ‘food tray’ ng kaibigan ni Principal?

“Aba malaki kasi mga 40 teachers sila na nagte-tray every school days, ang estimate na tubo ay more or less P100,000 a month!”

Saan naman napupunta ang tubo?

Si Principal at ‘yung pren niya lang daw ang nakaaalam na mukhang magkasosyo sa food tray business nila.

Ang palusot ‘este sabi raw ni Principal, ang tubo ay ginagastos sa pagre-repair ng mga sira sa school, at ipinambibili ng mga gamit nila sa pagtuturo.

Minsan bumili raw ng video wall, ang halaga ay P200,000.

Panay raw ang pagawa, wala namang resibo ang mga binibiling gamit ni Principal at may pinapasahod daw na contract worker.

Ipinambibili rin daw ng school supplies ang tubo sa tray business, sabi pa raw ni Principal.

Sagot naman ng mga titser, sila ang madalas bumibili ng chalk at pambura kasi wala na ka-ming supply (sa school).

Ilang taon (3 years) na ang “food tray business” ni Principal kaya malamang yumaman na sila sa negosyo nila?!

Ano pa ang ibang ‘raket’ ni Principal?

May pa-film showing kaya obligado na naman ang mga bata na magbayad sa sine.

May pa-fundraising rin na beauty contest kuno, pa-raffle at kung ano-ano pa?!

Kaya pinagbebenta ng tiket ang mga magulang, guro at estudyante ng mga booklet na pan-raffle at kung ano-ano pa, dagdag reklamo ng isang magulang.

Bakit hindi sila magreklamo?

Nagreklamo na sila pero wala namang nangyayari.

Nanawagan tayo sa Imus Deped at kay Imus Mayor Maliksi na tingnan ang ‘kalakaran’ at ire-gularidad  ng ilang Imus public school dahil hindi lang mga magulang ang nahihirapan kundi pati public school teachers!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *