KASALUKUYANG nasa Italy ang creative consultant ng programang Robinhood ni Dingdong Dantes na mapapanood sa GMA 7 kahapon na si Miss Suzette Doctolero.
May nagtsika kasi sa aming ilang beses ini-revise ang storyline/script ng upcoming serye ng GMA 7.
Kaya ang tanong namin kay Ms Suzette ay kung totoong ini-revise ito dahil hawig sa TV series na Arrow na napapanood sa ibang bansa.
“Ipina-revise po dahil sa issue na ‘kopya’ raw sa ‘Arrow’?
“Wala pong ganoon. Kasi hindi naman po talaga namin inisip ang ‘Arrow’. Wala talaga. At saka nang lumutang ‘yang issue ng ‘Arrow’ na ‘yan, taped na po ang week 1-3 namin,” pahayag sa amin.
Tanong sa amin ng creative consultant, “Saan galing ang revision po na issue? Ano po context? Ako po ay consultant ng show.
“Wala pong revision dahil sa ‘Arrow’ issue. Ang scripts po, specifically ang week 1 ay dumadaan sa normal na proseso. If may revisions po, ng week 1, na naisulat na three months ago pa yata— at nai-taped na, wala po ‘yung kinalaman sa ‘Arrow’.
“Ang storyline ng ‘Robinhood’ ay basic na kuwento ng isang mahirap na inapi so need niya gumanti kaya mag ala-Robinhood siya.
“Di ko po alam ang context ng inirevise.
“Uulitin ko, hindi po talaga galing sa ‘Arrow’. Kaya wala need i-revise sa kuwento.
“If may revisions before, yes, of course, mayroon para lalong mapaganda ang kuwento. Kasi normal naman ‘yun. ‘Yan baka mas malinaw (paliwanag).”
Samantala, wala pang idea si Miss Suzette kung anong oras ang timelost ng nasabing serye pero ngayong buwan na raw ito eere.
Tinanong din namin ang TV executive ng Kapuso Network ukol sa sinabi raw niyang may nagbabasa pa ba ng tabloid?
Una naming narinig ito ay hindi na namin pinansin, pero since ka-chat namin si Ms Suzette kahapon ay tinanong na rin namin.
Diretsong sagot ni Ms Suzette, “’Di ko kayo minamaliit d’yan.”
Sabi namin na nakalulungkot naman ang sinabing may nagbabasa pa ba ng tabloid dahil kabilang kami sa mga nagsusulat dito.
“Yes wala akong intensiyon manakit o saktan ang lahat ng tabloid writers,” diin niya.
Ang kuwento ni Ms Suzette, “May nagpasa sa akin ng isang article. Binasa ko at masakit ang atake. Kasi may mura at lait sa pagkatao ko.
“So naturally, nag-react ako. Defensive na reaction. At matagal na ito. One month na yata.”
Nag-ugat daw ito noong mag-post ang creative consultant ng GMA sa kanyang social media account tungkol sa isang programa ng ABS-CBN na pinik-ap ng netizens sabay bash na rito naman daw nagkaroon ng pagkakataong pik-apin ng nagsulat sabay lait sa pagkatao niya.
Inuulit ni Ms. Suzette na hindi niya gustong saktan ang mga nagsusulat sa tabloid, kundi bugso ng damdamin ng taong nasaktan daw ang reaksiyon niya particular sa isang tao lang at hindi sa lahat.
FACT SHEET – Reggee Bonoan