Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Na-stress at anxiety attack!

GRABE ang epekto sa isang lead actor sa pangbababoy nang isang staff ng soap opera sa mga tauhan nila. After a particularly difficult scene, nagsikip daw ang dibdib ng aktor at tipong nagkaroon ng anxiety attack. Akala ng lahat ay kung ano na ang nangyari kaya isinugod kaagad sa ospital ang aktor.

Nang mahimasmasan, nag-confide ang aktor sa kanyang manager na nagkahalo-halo na raw kasi ang emotion niya sa eksena at ang nararamdaman niyang pang-aapi ng isang staff sa kanilang mga tauhan.

Nag-post tuloy sa kanyang instagram account ang aktor ng isang very meaningful message that goes something like this: “If you’re the captain of the ship and you find yourself kicking and sceaming at your whole staff and crew, then maybe the problem is not with them but with you!”

Anyway, bibihira ang isang aktor na tulad ni Rafael Rosell na may pagmamahal sa mga maliliit na staff and crew ng production.

Kumbaga, he feels for them and knows their sentiments kaya naman na-stress siya nang todo sa inhuman treatment na nakita niyang ibinibigay sa lowly production people.

Kung sino man ang baboy na staff na ‘to, matauhan sana at huwag namang mang-aabuso sa kanyang posisyon.

Yosi-kadiri ka ha?

Tsupi!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …