Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub Nation, watak-watak na

SINASABI na nga ba’t hindi maglalaon ay ang kanya-kanyang hukbo naman ng mga tagahanga ng magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang magsasabong na parang mga manok sa tupada.

Of late, “nagbabanatan” ang mga maka-Alden at maka-Yaya Dub bilang depensa sa kanilang respective idols. Teka, what has become of the so-called AlDub Nation na pinagtulungan nilang buuin noon?

Fragmented o watak-watak na ba ang “bansang” ito na hindi naman talaga matatagpuan sa mapa ng Pilipinas? Katulad din ba ng USSR ang Aldub nation at nagkanya-kanya na rin sila ng mga “mamamayan”?

Truth to be told, nauna naman kasing bina-bash si Alden ng mga umano’y tagasuporta ni Maine. But a good soul that he is, walang narinig kay Alden. Ever-supportive pa rin ang aktor sa tambalan nila ng biglang-sikat na social media dubsmasher.

Pero tapos na ang panahon ng pananahimik. Turn naman ngayon ng fans ni Alden na iganti ang kanilang idolo sa pagmamalabis nang maituturing na ginagawa sa kanya ng fans ni Maine.

Parang itinayming naman ng dalawang nagkakaalitang grupo ang “the end” ng kalyeserye ng AlDub sa Eat Bulaga, pero bakit hindi pa noon nagkaroon ng outbreak of war, ‘ika nga?

In fairness sa fans ni Alden, it just appears na nirespeto lang nila ang tambalan, waiting for the right time na sila naman ang reresbak laban sa ginagawa ng kampo ni Maine.

All told, hindi ito isang magandang indikasyon, that is, kung nais pang maisalba ang pahina na nang pahina nang hatak ng AlDub

Eh, kung sa mga perishable goods nga, may date of expiration, eto pa kayang tambalang ito na mabuti-buti nga’t inabot pa ng isang taon, ‘no?! ( RONNIE CARRASCO III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …