Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

April Boy, ‘di humingi ng kapalit sa pagsuporta kay Digong

LAST week inihatid sa huling hantungan sa isang memorial park sa Antipolo City ang labi ni Ginang Lucy Regino, ang butihing ina ng Jukebox King na si April Boy.

Katandaan na rin ang sanhi ng pagpanaw ng nanay ng magkakapatid na April Boys, two of whom ay nasa Amerika at doon nagtatrabaho.

Nawala man sa mundo ng mga buhay ay masaya naman daw tinungo ni Ginang Regino ang kabilang daigdig. Time was when kasi na nagkawatak-watak ang tatlo niyang anak.

Mas pinili nilang magsolo kaysa buuin pa rin ang kanilang grupo, na labis umanong ikinasakit ng kalooban ng kanilang ina.

Para na lang daw pagbuklurin ang kanyang mga nag-aaway na anak ay iniupo niya’t kinausap ang mga ito nang masinsinan. Ayon kay Ginang Lucy, mabuti pa raw noong mahirap pa sila’t nagtitinda lang ng tinapay sa Caloocan.

Noon kasing nakaalwan-alwan na sila sa buhay ay at saka naman daw nagkaroon ng pader sa magkakapatid. Mula noon ay naging malapit daw uli sa isa’t isa ang mga April Boy.

Samantala, isa si April Boy sa mga sumuporta sa presidential campaign noon ng ngayo’y Pangulo nang si Digong. Minarkahan nga raw ni Duterte si April Boy na kung sakaling kakailanganin nito ang kanyang tulong ay huwag itong mag-atubiling lumapit sa kanya.

Mukhang sa hanay ng mga artistang malaki ang naiambag sa kampanya ni Digong ay tila si April Boy lang ang hindi nakapuwesto sa gobyerno.

Mukha rin naman kasing walang hininging anumang pabor ang singer kapalit ng kanyang ibinigay na tulong.
HOT,AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …