Thursday , June 4 2026

Soap ni Echo, laging hinahanap sa int’l. market

Hindi lang si direk Ruel ang pumuri kay Echo kundi maging ang direktor niyang siFM Reyes. ”I’m so privilege to work with Jericho after the last project that we did was ‘Sana’y Wala Nang Wakas’.

“Katatapos niya ng ‘Pangako Sa ‘Yo’, ‘yun ang sumunod niyang proyekto sa akin and earlier on palang noong nag-‘Maalaala Mo Kaya’, kapapasok pa lang niya, si direk Ruel ang una niyang naging direktor at headwriter naman ako sa ‘Maalaala Mo Kaya’ kaya sobra naming nakikita na napakalalim ng pinagkukunan (pinaghuhugutan) ng bata.

“I think, a year before this hindi ko maintindihan kung ano pa ang dapat niyang aralin, but he enrolled in New York for an acting class and while the challenges I have to face was prior to this project, every time the international acquisition department to go on a television trade fair abroad.

“The international producers will meet the representative ng ABS-CBN, they will always ask, ‘is there a soap or a series for Mr. Rosales, ganoon lagi ang unang tanong.

“So, sa trade sinabi ni RSB sa akin, ‘oh, I have prepared strong and sung for you and it’s going to be led by Jericho’ sabi ko sa sarili ko, ‘Diyos ko, what is with this person that his appeal goes beyond the Philippines. Hinahanap lagi siya sa ibang bansa kapag may bentahan ng mga palabas.”

Nabanggit din ni direk FM na sobrang dami ng papuring narinig niya sa bagong seryeng Magpahanggang Wakas kaya sobrang takot at kabado siya rito.

Ito rin ang kuwento sa amin ng executive producer ng serye na si Narciso Gulmatico, Jr. na sobrang hirap ng Magpahanggang Wakas dahil pilot week pa lang ay puro pasabog na, ”kaya iisipin mo, ano pang next na mangyayari, parang naipakita na lahat sa una? Kaya abangan n’yo, grabe ito.”

Mukhang punumpuno ng sangkap ang Magpahanggang Wakas ng heavy drama kaya naman panibagong challenge na naman ang seryeng ito sa mga makakatapat nitong programa.

Mapapanood na ito Setyembre 19 na bukod kina Jericho at Arci ay makakasama rin sina John Estrada, Liza Lorena, Rita Avila, Danita Paner, Lito Pimentel, Marco Gumabao, Maika Rivera, Justin Cuyugan, Jomari Angeles, at Gelli de Belen.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …