Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asian Drama King, tama lamang kay Echo (Jericho opened the doors & introduced the Philippines to the rest of the world — Direk RSB)

SA ginanap na presscon ng bagong seryeng Magpahanggang Wakas na pagbibidahan nina Jericho Rosales at Arci Munoz mula sa RSB Unit ay nagulat ang aktor na abot-abot ang papuri pala sa kanya ng ABS-CBN management dahil sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na ipinalabas noong 2000 hanggang 2002 kasama ang dating girlfriend na si Kristine Hermosa, ang unang Pinoy serye na binili sa ibang bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, United States, at Africa na isinalin sa iba’t ibang lengguwahe.

Ikinuwento ito mismo ng business unit head na si Direk Ruel S. Bayani para sa kaalaman ng lahat dahil nga iisa ang sinasabi kay Echo, ‘nakapagaling at sincere na aktor bukod pa sa napaka-humble’ bukod pa sa tinawag siyang Asian Drama King na ayaw na ayaw daw ng aktor.

“I will take this opportunity kasi itong si Echo, ayaw na ayaw niya ang title na Asian Drama King. Ayaw na ayaw ni Echo ng mga title, but you see, kailangan naming ipaalam sa inyo na there’s no other Kapamilya actor has sold more a drama program all over the world than Jericho Rosales.

“He opened the doors for the Philippines via ‘Pangako Sa ‘Yo’. It introduced the Philippines to the rest of the world. So, pioneer siya from ‘Pangako Sa ‘Yo’, tapos, tuloy-tuloy, laging ino-order ang mga show niya.

“And last year, the best-selling soap of the Philippines was ‘Bridges of Love’ again by Jericho Rosales which is the first Filipino soap to air in Latin America.

“So, everytime, may nagbubukas na door, gateway, Jericho Rosales is always front and center. Laging siya!

“So, sabi ko, bakit hindi puwedeng i-claim ‘yung Asian Drama King? Ayaw niya kasi ng title. But you see, kahit na walang title, with or without the title, hindi puwedeng i-refute ‘yun, eh. The pedigree, the body of work.”

Dagdag pa ni RSB, ”everytime na may booth ang Philippines na midcon (mid conference) sa France, nakita ko na ‘yung booth ng lahat ng shows ng ABS –CBN at ang nasa gitna, Jericho of ‘Magpahanggang Wakas’ na ang international title ay ‘Sand Castle’ kasi, kaya siya nasa gitna, siya lang ang kilala ng foreign buyers sa mukha from the Philippines.

“Ibig sabihin, maraming success sa ABS-CBN, maraming success sa Pilipinas, ibigay lang natin ‘yung honor kung kanino siya due and he has worked so hard for that recognition and for that success.

“So, para sa akin, ayaw man niya, tanggihan man niya, to me, kanyang-kanya ‘yun.

“One thing a Jericho Rosales starrer will be seen all over the world and that’s a possibility given the track record that he already has.”

Sabay biro ni direk Ruel, ”hayan ha, Jericho Rosales Lifetime Achievement tribute na ito.”

At habang sinasabi ni RSB ang papuri niya sa aktor ay nakangiti at tila nahihiya pa rin si Echo sa mga narinig.

Hiningan naman ng reaksiyon si Jericho sa mga pahayag ng TV executive.

“Marami akong dapat ipagpasalamat pero unahin ko na ‘yung hiya dahil nahihiya ako kina direk Erick (FM) and direk Ruel for this love na ibinibigay nila sa akin, appreciation.

“And hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung paano. In my end, ginagawa ko lang ang trabaho ko and I need guidance. Lagi nilang ibinibigay sa akin and more than that,” pahayag ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …