Monday , May 20 2024

Saludo sa media si Tatay Digong

SALUDO si Pangulong Rodrigo Duterte sa papel ng media na araw-araw na tagapagtala ng kasaysayan ng Filipinas.

Sa press briefing sa Davao City International Airport nang dumating mula sa 28th at 29th ASEAN summit sa Laos at state visit sa Indonesia, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga mamamahayag , lalo na ang cameramen na naghahatid nang totoo at tamang impormasyon sa publiko.

Iginagalang aniya ng Pangulo ang karapatan ng media na ipabatid sa sambayang Filipino ang mga kaganapan sa bansa dahil nakasaad sa Saligang Batas na may karapatan ang bawat mamamayan sa impormasyon.

“Yung mga camera diyan, kayong kumukuha diyan, ‘di ka nagpalakpak. Palakpak kayo riyan. You know why? Because it is a recorded history. Everyday that you pressed that ‘on’ button in your camera, you record the history of this country. Kaya importante kayo, baka minamaliit ninyo ‘yung role ninyo sa, in the entire gamut of media. You are recording the history of this country. Someday, pag-on nila nang ganon, tapos walang lumabas na blur, ay anak ka ng… Natulog siguro ‘yung gago doon sa ano… Pero with an accurate and true representation of what’s going on, I said, saludo ako. And because, it is embodied in the Constitution. The freedom of the people to be informed and a media that is there to find out the true and accurate. You portray history,” anang Pangulo.

Hinamon ng Pangulo ang media na huwag mangiming batikusin siya kapag nabigong tuparin ang sinumpaang tungkuling bilang Punong Ehekutibo ng bansa.

“Do not hesitate to attack me, criticize me, if I do wrong in my job. It is your duty to your country. As I have my duty to the people to serve you. Huwag kayong maano,” aniya nang tanungin sa reaksiyon niya sa ulat ng media kaugnay sa maaanghang na salitang binitiwan niya laban sa US bago siya magpunta sa Laos.

Ang anti-US statement ni Duterte ang naging sanhi nang pagkansela ni Obama sa nakatakdang bilateral meeting nila sa sideline ng ASEAN summit sa Laos.

Paliwanag ng Pangulo, talagang nagkakamali ang mga tao, ang iba’y sinadya, ang iba nama’y walang malisya kaya pinalampas na niya ito.

“You know people commit mistakes. Some with malice, some without malice. If it’s just a mere shortfall of talent, hayaan mo na. I would like to presume that you did it without malice,” sabi ng Pangulo.

Tinanggap ng Pangulo ang apology ng isang mamamahayag na umamin na mali ang iniulat ng kanilang network na tinawag ni Duterte na bastos si Obama bago nagtungo sa Laos noong Martes.

Giit ng Pangulo, wala siyang sama ng loob sa media, at karapatan ng mga mamamahayag na tanungin siya.

“I am not at liberty to be angry at anybody. It is your sworn duty to ask questions… Wala akong galit sa inyo,” aniya.

Paalala lang niya, huwag galawin ang mga maralita dahil sila ang nangangailangan ng serbisyo ng pamahalaan hindi tulad ng oligarchs na hindi kailangan ng presidente at kayang bilhin ang lahat ng kailangan sa buhay.

“Totoo, ‘wag ninyong galawin ang maliit na tao. Kasi sila ‘yung nangailangan ng gobyerno. For the rich and famous and for the oligarchy, they don’t need a president at all. They don’t need the Secretary of Justice there. They can buy it. They don’t need Lorenzana to do his job. Even if there’s trouble here, they can always fly out. E tayo na nandito na maiwan. Kayo. Kasi kung… may pera, hindi tayo nakikita dito ngayon. You’re there in your comfortable, what? In your… space there for you. So, ‘wag ninyong galawin ‘yung maliit. Talagang kailangan nila ang gobyerno,” aniya.

Kaya ang panawagan niya sa mga nasa gobyerno, seryosohin ang kampanya kontra-korupsiyon dahil ayaw niyang mapahiya sa pangakong magiging malinis ang kanyang administrasyon.

“Kaya ako estrikto. And when I said that corruption will stop. It will stop. Maniwala kayo. And even if I have to, it will stop. ‘Wag ninyo… To all government, ‘wag ninyo akong hiyain dito. Kakasahan ko talaga kayo. Napahiya ako ;e,” dagdag ng Pangulo.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *