Friday , November 22 2024
bagman money

PAGCOR casino pit manager nanalo ng P34.4-M sa slot machine

MUKHANG masusubo talaga sa isang seryosong paglilinis sa Philippine Amusing and Gaming Corporation (PAGCOR) si Chair Andrea “Didi” Domingo.

Kamakailan, pumutok ang balitang nanalo ng P34.4 milyones ang isang PAGCOR Casino PIT manager.

‘Yang panalong ‘yan ay sa halagang P500 lamang.

Dinaig ni PIT manager ang isang local government official na may dalang isang bag na kuwarta dahil alam nga niyang ‘puputok’ na ‘yung slot machine.

Noong manalo kasi dati si LGU official, namuhunan din siya nang halos P3 milyon at sa huling P50,000 pumutok ang slot machine.

Tumataginting na P3 milyones ang naiuwi ni LGU official. Tiyempong-tiyempo noon na malapit na malapit na ang eleksiyon.

Anyway, ang isyu rito, paano pinayagang maglaro ang isang lisensiyadong PAGCOR Casino PIT manager sa isang casino na nasa ilalim ng pamamahala ng nasabing ahensiya?!

At higit sa lahat, pinayagan pang makubra ang panalo niya?!

Isang malaking iregularidad ‘yan!

Noong una ay hindi pa umano pinayagang makakubra ng panalo pero ang ginawa ng Casino Pit manager ‘e tumawag ng abogado.

Hayun nasindak sa abogado kaya ibinigay din ng Casino ang napanalunan.

Kung hindi tayo nagkakamali ay kinuhang cash ‘yung butal na P4.4 milyon at ipina-manager’s check ‘yung P30,000,000.

Ang tali-talino mo naman Sir!

Mukhang taya-pato na rin ‘yung Casino PIT manager, e ano nga naman kung mawalan siya ng trabaho o matanggalan ng lisensiya ‘e meron na siyang P34.4 milyones?

PAGCOR Chair, Madam Andrea Domingo, ma’am, marami na pong nagrereklamong lehitimong Casino players, kailan po ninyo ipatutupad ang Memorandum No. 4?

Pakisudsod na po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *