Monday , December 23 2024

US-PH BFF pa rin — Obama (Digong kabisado na ni Barack)

SUBOK na matibay at matatag ang relasyon ng Filipinas at Amerika sa kabila ng mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ‘madugong pakikialam’ ni Uncle Sam sa ibang mga bansa.

Sa kanyang press briefing sa Joint Leaders Regional Comprehensive Economic Partnership sa Laos, sinabi ni US President Barack Obama, nagkamayan sila ni Duterte kamakalawa ng gabi at nag-usap sandali bago ang ASEAN gala dinner.

Aniya walang epekto sa mas malawak na relasyon ng US sa Filipinas ang mga naging pahayag ni Duterte laban sa Amerika.

“It has no impact on our broader relationship with the Philippines. We will continue working with the country whether on terrorism or drug trafficking,” giit niya.

Binigyan-diin ni Obama na ipinagkibit-balikat lang niya ang pagmumura ni Duterte at hindi pinepersonal dahil tila bukambibig o nakagawian ito ng Punong Ehekutibo at maging ang Santo Papa ay hindi nakaligtas.

“I did shake hands with President Duterte last night. I don’t take these comments personally because it seems the phrase is used repeatedly including, directed at the Pope, others, it seems to be a just you know a habit. A way of speaking for him. And what I indicated to him is that my team should be  meeting with his and determine how we can move forward on a whole range of issues,” ani Obama nang tanu-ngin hinggil sa reaksiyon sa pagbatikos ni Duterte sa kanya.

Sabi ni Obama, naka-move on na siya at kinakailangan ipagpatuloy ng Amerika ang paki-kipag-ugnayan sa Filipinas lalo sa usapin ng narco traffickers na seryosong problema ng da-lawang bansa at iba pang bahagi ng mundo.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *