Monday , December 23 2024

Status quo sa Marcos burial pinalawig ng SC

PINALAWIG pa ng Supreme Court (SC) ang status quo ante order (SQAO) na walang mangyayaring libing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang Oktubre 18, 2016.

Bago ito hanggang Setyembre 13 sana magtatapos ang unang SQAO ng SC.

Kakatapos lang ng oral argument sa magkabilang panig at binigyan ng SC ng 20 araw para magsumite ng kanilang mga memoranda.

Dahil sa pagpapalawig na ibinaba ng korte, walang ano mang mangyayaring libing sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Sa ginanap na oral argument, ipinagdiinan ni Solicitor General Jose Calida, ang pagpayag ni Presidente Rodrigo Duterte na mailibing ang labi ni Marcos ay legal at naaayon sa batas.

Kung ito aniya ay political promise ng presidente, iba na ito ngayon dahil para na ito sa buong bansa upang mapaghilom na ang pagkawatak-watak.

Ayon kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Se-reno, isang pangako noong panahon ng kampanyahan ang pinagmulan ng planong pagpapalibing kay Marcos na maituturing na politikal ang layon at hindi isang “defined public purpose.”

Inilinaw ni Calida, hindi ibig sabihing porke nailibing na si Marcos sa Libingan ay mapa-tatawad o makalilimutan na ng taongbayan ang kanyang mga nagawang kasalanan.

Giit niya, hindi na mabubura sa kasaysayan ang Batas Militar at sa katunayan ay nakasulat na sa executive, judicial at legislative books.

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *