Monday , December 23 2024

Duterte rockstar sa ASEAN

090816_front

MISTULANG rock star na pinagkaguluhan ng mga dumalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) si Pangulong Rodrigo Duterte at nag-unahan sila para makipag-selfie sa Punong Ehekutibo ng Filipinas.

Sa press briefing kahapon sa Laos, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, nagulat sila nang makita kung gaano kapopular si Pangulong Duterte sa mga dumalong leader at delegado sa ASEAN Summit na nag-unahan para makipag-selfie sa kanya.

“We also learned that President Duterte is a rockstar, not just in our country, but also in Laos and Japan… how other delegates scramble to get a selfie with the President,”ani Andanar.

Ang kasikatan aniya ni Pangulong Duterte ay bunsod ng political will niya sa kampanya kontra-illegal drugs sa bansa at ang estilo ng kanyang pamamahala.

090816-duterte-rockstar-asean
DUMATING si Pangulong Rodrigo Duterte na naka-black suit at ang kanyang delegasyon sa National Convention Center sa Vientiane, Laos upang dumalo sa ikalawang araw ng ASEAN Summit. (PPD)

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hinangaan niya ang pagbabago ni Pangulong Duterte na naging sopistikado habang kausap sina Singapore Prime Minister Lee Hsien, Japan Prime Minister Shinzo Abe at Vietnam Prime Minister Nguyen Tan Dung.

Napakainit aniya ang pagtanggap kay Duterte kaya’t walang duda na siya na ang “emerging leader” sa ASEAN.

Mula sa traditional barong, sa unang pagkakataon bilang Punong Ehekutibo ay nagsuot ng black suit si Duterte kahapon sa ASEAN nang sumama sa leaders’ retreat. Sabi ni Andanar, seryoso ngunit masaya ang lahat.

Napuna ng buong mundo si Pangulong Duterte sa pagbibitaw ng maanghang na salita laban sa pakikialam ng US government sa isyu ng extrajudicial killings sa Filipinas habang tadtad ng utang na dugo ang Amerika sa ibang bansa gaya ng Syria at Iraq at pagmasaker sa 600,000 Moro noong Filipino-American war ngunit hindi humingi ng paumanhin si Uncle Sam.

ni ROSE NOVENARIO

DUTERTE PINAGITNAAN NINA BAN AT OBAMA

PINAKAABANGAN ng lahat ang paghaharap nina US President Barack Obama, United Nations (UN) Secretary General Ban Ki Moon at Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit gala dinner sa Vientiane, Laos kagabi.

Excited na ang media sa buong mundo sa magiging reaksiyon ng tatlong leader na magkakatabi sa gala dinner.

“Presidents Duterte and Obama will be seated next to each other, which expectedly, will focus all cameras on them to deliver to the world the encounter of the two. Incidentally, United Nations (UN) Secretary General Ban Ki Moon is also seated on the other side of President Duterte,” ayon sa kalatas ng Palasyo kahapon.

Ang ASEAN summit ang unang foreign trip ni Duterte mula nang maluklok sa Malacañang noong Hunyo 30.

Matatandaan, binatikos ni Duterte sina Obama at Ban Ki Moon sa aniya’y pakikialam sa lumolobong extrajudicial killings sa bansa kaugnay sa kanyang drug war habang tikom ang bibig sa mga paglabag sa karapatang pantao ng African-American sa US at pag-atake ng Amerika sa Syria at Iraq na ikinamatay ng daan-daang libong inosenteng sibilyan.

Binira rin ni Duterte ang pagpaslang ng US troops sa 600,000 Moro nang makipagdigmaan ang Amerika sa Filipinas ngunit hindi humingi ng paumanhin si Uncle Sam hanggang ngayon.

Nakatakdang i-turn-over ni Lao Prime Minister Thounglough Sisoulith kay Pangulong Duterte ang chairmanship ng ASEAN na epektibo sa Enero 1, 2017.

Kasabay ito nang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN kaya inaasahan na maraming aktibidad ang idaraos sa Filipinas.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *