Sunday , December 22 2024

“Take Care Of Me”

HABANG inihahanda ang baon (para sa recess at tanghalian) ni Bunso, Alberta Kristea, 9-anyos, at siya naman ay kasalukuyang kumakain ng kanyang almusal (kahapon), pinapabasa (alamin kung tama at kung maayos daw – feeling niya kasi na talagang writer ang kanyang daddy) niya sa akin ang kauna-unahan niyang ginawang tula para sa kanyang takdang aralin sa Civics.

Hawak-hawak niya ang tula nang pakiusapan ang inyong lingkod na dapat ko lang naman suriin bilang kanyang ama. Ang tula ay patungkol kay “Mother Earth.”

Oo nga’t manunulat po tayo pero malaki ang pagkakaiba ng pagsusulat ng tula sa ginagawa kong trabaho sa araw-araw. Masasabi kong mas madali ang pagsusulat sa mga araw-araw na pangyayari (current events), at maging ng pagsusulat ng komento o opinyon. Lamang, kailangan maging responsable sa pagsusulat (pag-uulat) kundi…

Nang mabasa ko ang tula, natuwa ako lalo na sa mensaheng hatid nito. Inaamin ko, hanggang sa ngayon ay wala pa ako naisusulat na tula, ni isa wala pa.

Siyempre, sa pagsusulat naman ng tula ni Bunso, Tea ang kanyang palayaw, inalalayan siya ni Sir Jover, ang kanyang tutor.

Sa tuwa ko, nabanggit ko sa mahal kong beybi na ilalabas ko sa kolum ang kanyang ginawang tula. “Really Daddy, you’re going to publish it?” tanong ni Tea.

Yes anak (proud Daddy), “Am going to do it because it’s nice and I love you,” sagot ko kay Tea.

Pero tinanong ko rin sa kanya, kung baka ito ay kanyang kinopya (sa google) at kasabay ng pagpapaliwanag na mali ang mangopya ng tula bukod sa ito ay labag sa batas. Sinagot niya naman ako ng,

“No daddy, I did it by myself and Sir Jover help me.”

Narito ang first poem written by my lovely daughter:

Take Care Of Me

I was once clean and beautiful

Until now I am very useful

Paper, furniture, houses that’s what I make

All of these are what people take.

I was then a beautiful paradise

Where you can feel the rays of sunrise

Trees, vegetables, and grains supply

And animals like birds in the sky.

There were times that came wherein children play

Eat their food and throw their wrappers away

Throw in the river, throw in the lake

They do not know what trouble they can make.

All living things depend on me

But they don’t ever think and see

The catastrophe that I have brought

It’s the start that they have to be note.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *