Monday , December 23 2024

Abu sayyaf kakainin nang hilaw ni Digong (Sisingilin sa Davao bombing)

090716_FRONT
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang kilawin ang mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) para makapaghiganti sa inihahasik na karahasan sa bansa.

“Alam mo kaya kong kumain ng tao. Talagang buksan ko ‘yang katawan mo, bigyan mo ako, suka’t asin, kakainin kita. Oo, totoo. You, pagalitin mo akong talagang sasagad na, kaya kong kumain ng tao bigyan mo lang ako suka’t asin, kakainin ko sa harap nila ‘yan,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Laos kamakalawa ng gabi.

Aniya, walang sukatan ang paghihiganti at hindi siya puwedeng magpautang ng buhay sa mga terorista kaya’t ipa-lalasap niya sa ASG kung ano ang ginawang karahasan sa kapwa tao.

“Sabi ko sa Bisaya, ‘walay sukod sa balos.’ Hindi ako magpapautang. Sige lang, bomba nang bomba lang kayo. Pagdating ng panahon, kakainin ko kayo sa harap ng tao. I will devour you and if I have to erase you, gusto ko — sabi ko, pagkatapos, walang makatayo diyan ni isang niyog. Ni isang niyog, walang tatayo diyan. So gano’n yan. And let it be known to them na gaganti rin ako. Hindi ako puwedeng magpautang nang gano’n. Kung ano ‘yung ginagawa  mo  sa iyong kapwa tao, gagawin ko sa iyo ‘yan,” diin ni Duterte.

Ipokrito aniya ang mga bansang nagtatambol ng human rights dahil sa criminal law ay may dalawang prinsipyo, una, mapagbago ang kriminal at pangalawa ay pagbayaran ang kasalanan.

“‘Yan ang hindi naiintindihan ng ibang bansa na may human rights. Puro daldal nang daldal. Ayaw ko lang pangala-nan ‘yung — but you know what country it is. It’s [alright?] with hypocrites. E ako, ginawa mo, magbayad ka. Hindi puwede ‘yang utang-utang na madala lang tayo ng human rights. Ayaw ko. Not that. Magbayad ka because dalawang prinsipyo ‘yan sa criminal law e. Positivist theory means that you can’t rehabilitate a criminal. I dare you to say the contrary. These guys are beyond redemption. Wala na. ISIS, kita mo sa Middle East. They’ve burned 20 young girls for refusing to have sex. Anong — ‘pag pinaharap mo ako nang gano’n,” paliwanag ng Pangulo.

“But let me state my case. They will pay. Magbayad sila. Ilang buhay pinatay nila, 15? Well, give me time. Pagdating ng panahon, talagang pulpugin ko kayong lahat. You watch me. Tutal nakita ninyo ako how I operate. I am not bragging but I have this time of running a governance for after all, I’ve been 23 years mayor of Davao City,” dagdag niya.

Ipinagyabang niya sa mga Pinoy sa Laos na walang politiko sa Filipinas na puwedeng maging Presidente na sukdulang kumain ng tao para mapagbayad ang kriminal.

“Hindi ako nang-iinsulto. Magtingin ka di-yan sa larawan ng politika ng Maynila. Sino-sinong nandiyan? Sinong puwedeng mag-presidente? Gawin mo ‘yan. Kaya nila ‘yan, kumain ng tao? Oo. Ako, ‘pag galitin mo ako, sa totoo lang. I will eat you alive. Raw! Gano’n ako kasi, ewan ko, siguro baka Moro man ang lola ko, Maranao. Ang tatay ko siguro ang wakwak (asuwang),” aniya.

Matatandaan noong dekada 80 ay naging pamoso ang anti-communist vigilante group na Alsa Masa na ginamit ng militar upang sugpuin ang paglakas ng New People’s Army (NPA) sa Davao City.

Nasangkot sa santambak na kaso nang paglabag sa karapatang pantao at  batay sa ulat, ang konsepto ng Alsa Masa ay inendoso ng rehimeng Cory Aquino, partikular ni dating Armed Forces of the Philippines 9AFP) Chief of Staff Gen. Fidel Ramos bilang “suitable counter-insurgency strategy.”

Hinimok din ni dating Interior Secretary Jaime Ferrer ang pagbubuo sa anti-communist groups ng mga lokal na opisyal na sinasabing dahilan nang pananambang sa kanya noong Agosto 2, 1987. Umusbong na pa-rang kabute ang vigilante groups sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ilan ay mistulang kulto gaya ng kilabot na Tadtad (Chop-Chop) group.

Ang nasabing grupo umano ay tinatadtad ang kanilang biktima saka kinakain ang lamang-loob.

Naging pamosong anti-communist vigilante ang magkakapatid na Edilberto, Norberto at Elpidio Manero na nahatulan sa pagpatay at pagkain sa utak ni Italian priest Fr. Tullio Favali sa Tulunan, North Cotabato noong 1985, dahil sa umano’y pakikismpatiya ng pari sa NPA.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *