Monday , December 23 2024

Tatlong tao sa Davao blast tinutukoy na

HINDI pa maituturing na mga suspek sa Davao blast ang tatlong indibidwal na itinuturing ng pambansang pulisya bilang ‘person of interest.’

Ayon kay PRO-11 spokesperson, Chief Insp. Andrea Dela Cerna, nasa proseso pa ang pulisya ngayon sa pangangalap ng ebidensiya lalo sa tatlong indibidwal na posibleng may kinalaman sa madugong pagsabog.

Sinabi ni Dela Cerna, sa ngayon hindi pa nila naa-identify ang pagkakakilanlan ng dalawang babae at isang lalaki na posibleng may kinalaman sa pagpapasabog.

Dagdag ng opisyal, patuloy ang ginagawa nilang pangangalap nang malinaw na kopya ng CCTV sa kalapit na mga estabilisimiyento.

Aniya, hindi tumitigil ang CIDG-11 sa pagkuha ng ebidensiya nang sa gayon matukoy kung sino at anong grupo ang nasa likod ng Davao deadly bombing.

Nagpapatuloy aniya ang malalimang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nangyaring pagsabog.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *