Tuesday , May 13 2025

Drug pusher na konektado kay Kerwin, arestado

NAARESTO ng mga pulis sa Ormoc City ang isang hinihinalang drug pusher na sinasabing konektado kay Kerwin Espinosa, itinuturing na drug lord sa Visayas.

Nadakip si Leonardo Guino sa kanyang bahay sa Brgy. Tambulilid, at nakompiska ang ilang pekete ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at .38 kalibreng revolver.

Ang suspek ay kapatid ni Noki Guino, sinasabing matalik na kaibigan ni Espinosa.

Pinaniniwalalang pinag-iwanan ni Espinosa ng shabu ang magkapatid bago magtago at pangalanan ni Pangulong Duterte bilang drug lord.

Sinasabing humalili si Leonardo sa mga illegal na gawain ng kapatid makaraan mapatay nang lumaban sa mga pulis.

Napag-alaman, isang dating sundalong nag-AWOL sa serbisyo si Leonardo at itinuturing ngayon bilang level 1 drug suspect sa Ormoc City.

About hataw tabloid

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *