Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joey, nagulat sa balitang ikakasal na si Wynwyn kay Mark

AKALAIN mo Ateng Maricris, ang tagal nang magdyowa nina Wynwyn Marquez at Mark Herras ay hindi pa ipinakikilala ng dalaga ang boyfriend niya sa amang si Joey Marquez.

Heto nga at nababalitang ikakasal na ang dalawa ay wala pa rin ang bendisyon ni Tsong Joey.

Base sa kuwento ni Joey sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda nang tanungin siya tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nina Wynwyn at Mark ay nagulat ang TV host.

“Kasi mayroon akong rule sa kanila na, ‘Huwag niyong ipakikilala sa akin kung sino man ang boyfriend kasi baka mag-away kayo, iwanan kayo, umiyak kayo, hahanapin ko sila. Ipakilala niyo sa akin kapag magpapakasal na kayo,” diretsong sabi ni Joey.

Kaya hindi pa dinadala ni Wynwyn si Mark sa ama. Kilala naman daw ni Joey si Mark dahil artista, pero hindi bilang boyfriend ng anak.

“Kasi ang bilin ko sa kanila ay makapagtapos kayo ng pag-aaral, maganda iyong hanap-buhay ninyo, kung ano man ang papasukan niyo, nandiyan lang ako sa tabi ninyo. Mas maganda iyong nagkamali kayo at nandiyan pa ako, kaysa magkamali kayo na wala na ako,” kuwento ng aktor.

Kaya ang tanong ng netizens, Wynwyn,  kailan mo ipakikilala si Mark sa papa Joey mo?

Samantala, absent si Joey sa presscon ng Barcelona:  A Love Untold dahil na-late ito ng dating at hindi na nagawang sumali sa Q and A.

Umaasa ng tulong ni Daniel Padilla (Eli) ang papel ni Joey bilang ama ng aktor at binubuhay din nito ang bago nitong pamilya.

Kaya naman natanong si Joey kung ganito rin ba ang mangyayari sa tunay na buhay o anong klase siyang tatay sa mga anak niya.

“Siguro sa tunay na buhay, ako ‘yung amang may pride na hindi aasa sa mga anak ko. Parati kong sinasabi sa kanila (mga anak), what is mine is yours, what is yours is yours.

“Napaghandaan ko naman ang buhay ko, kailangan, eh, kasi ang pinakamahirap sa buhay, matanda ka na, wala ka pang mapuntahan, wala ka pang magastusan at umaasa ka pa, napakasakit niyon,” pagtatapat ni Tsong.

Sa tagal na ni Joey sa showbiz ay ngayon lang pala niya nakatrabaho si direk Olive Lamasan.

Kuwento ni Tsong Joey kay kuya Boy, ”noong in-offer nga sa akin ito (Barcelona: A Love Untold) at sinabing si direk Olive ang direktor, sabi ko, kahit na anong istorya, okay ‘yan, kasi alam ko naman at saka ang perception ko sa kanya, perfectionist siya (direk Olive) at magaling siyang mag-motivate sa artista at as old timer na akong artista, ang alam ko ay hindi ko pa alam ang lahat, kaya gusto ko pa ring matuto.”

Samantala, sa sobrang ka-sweetan daw nina Daniel at Kathryn Bernardo sa shooting ay nainggit daw si Tsong Joey at sana raw ay bagets pa rin siya.

At kung may lovelife si Wynwyn ay mayroon din ang papa Joey niya, ”I’m seeing someone. I’m proud to say that I am with someone.”

Mapapanood na ang Barcelona:  A Love Untold mula sa Star Cinema at idinirehe naman ni Olive ‘Inang’ Lamasan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …