Monday , December 23 2024
customs BOC

BoC, tutulong sa pagbabantay sa seguridad ng bansa

TUTULONG ang Bureau of Customs sa pagbabantay sa seguridad ng bansa  matapos maganap ang pagsabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi na ikinamatay ng 14 at 79 ang malubhang nasu-gatan.

Ayon kay Customs Enforcement Officer-In-Charge Arnel Alcaraz, kaagad niyang inilagay sa red alert ang   400 Customs police, ilang oras matapos ang pagsabog sa night market sa Davao.

Sinabi ni Alcaraz, kanselado ang leave, day-off at bawal mag-absent ang kanilang mga tauhan para tumulong sa pagbibigay ng ligtas na seguridad sa iba’t ibang law enforcement agency sa bansa.

Aniya ang mga customs police ay nasa ilalim ng Enforcement Group ay mahigpit na magbabantay sa mga pantalan tulad ng North Harbor, Batangas port, Zamboanga port at iba’t ibang  local at international ports  sa buong bansa.

“We will just augment the PNP maritime and the coast guard to make sure na hindi sila makalulusot papunta sa mga lungsod at bayan-bayan para maghasik ng kaguluhan ang mga terorista,” ani Depcom Alcaraz.

Ayon  naman kay  BOC Commissioner Nicanor Faeldon, magbabantay 24/7 ang kanilang mga tauhan sa Enforcement Group para ipakita sa mga kalaban ng lipunan ang nagkakaisang puwersa ng pamahalaan para labanan ang karahasan.

Sa ngayon ani Alcaraz, tuloy-tuloy pa rin ang  kanilang pagbabantay laban sa smuggling ng  droga at iba’t ibang produkto.

Dahil sa pagkakaaresto ng BOC sa isang Allan Soohoo na isang American at Chinese national at pagkakakompiska nang mahigit 2-kilo ng cocaine kamakailan sa Diosdado Macapagal Airport ay nakatakdang bigyan ng parangal ng US Department Homeland Security si Alcaraz at kanyang mga tauhan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *