Monday , December 23 2024

US-backed ASG itinuro ng KMU

TAHASANG tinukoy ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na ang Estados Unidos ang nasa likod ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na nambomba sa Davao City kamakalawa ng gabi na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 80 iba pa.

Sa kalatas, sinabi ni KMU secretary-general Elmer Labog, naniniwala ang mga obrero na ang pag-atake ng ASG sa Davao City night market ay kagagawan ng US sa pakikipagsabawatan ng mga tuta nila sa lokal na military upang lumikha ng kaguluhan sa bansa para bigyan katuwiran ang pagdagsa ng tropang Amerikano sa Filipinas, lalo sa Mindanao.

“We have every reason to believe that the Davao bombing was an act of terror orchestrated by the US government and their lapdogs in the AFP using their long time terrorist bogey Abu Sayyaf Group to create havoc and unrest in the country to justify the increased deployment and presence of US troops in the country especially in Mindanao,” aniya.

Hindi na aniya lihim na ang ASG ay nilikha, pinondohan, sinanay at pinagagalaw ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika at ng AFP upang magkaroon ng dahilan ang pakikialam ng US at labagin ang soberanya ng Filpinas na ikinukubli sa kampanya kontra-terorismo.

“It is no secret that the ASG has been created, funded, trained and operated by the US’ Central Intelligence Agency and the AFP to justify US intervention and violations of our sovereignty under the guise of the war on terror,” dagdag ni Labog.

Nanawagan ang KMU kay Duterte na manindigan para sa sambayanang Filipino laban sa “acts of terror” na pakana ng US.

Dapat anilang agad na putulin ni Duterte ang lahat nang ugnayan ng Filipinas sa US na dehado ang bansa lalo na ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), Visiting Forces Agreement (VFA), Mutual Defense Treaty at Mutual Logistics and Support Agreement na nagbigay ng lisensiya sa US para sumawsaw sa internal na usapin ng bansa at isakatuparan ang mga karumaldumal na krimen at terorismo laban sa sambayanang Filipino.

“We demand that President Duterte stand with the Filipino people against these US orchestrated acts of terror. He should immediately cut all unequal ties with the US particularly the Enhanced Defense Cooperation Agreement, the Visiting Forces Agreement, the Mutual Defense treaty and the Mutual Logistics and Support Agreement that gave license to the US to meddle with our internal affairs and commit such heinous acts of violence and terror against the Filipino people,” anang KMU.

Bagama’t kinondena ng KMU ang pambobomba ng ASG sa Davao City at nais panagutin ang mga nasa likod nito ay nababahala ang militanteng grupo sa pagsasailalim ni Duterte sa bansa sa “state of lawless violence” na sakop ang kampanya kontra-droga ng administrasyon.

Ang naturang deklarasyon ayon sa KMU, ay ibayong magpapabangis sa brutal at pasistang karakter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magreresulta sa malalang paglabag sa karapatang pantao ng mga sibilyan, lalo ng mga Moro.

“We seek that the perpetrators of this terror attack be brought to justice. However, we are alarmed with President Duterte’s declaration of a state of lawlessness on a nationwide scale which also includes the war on drugs. Such declaration could further unleash the brutal and fascist character of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police which could result in gross violations of human rights against civilians especially the Moro people,” giit ng KMU.

Matatandaan, mismong si Duterte ay isiniwalat noong 2015 na kaya hindi niya pinayagan na mag-base ang drones ng US sa Davao City Airport dahil galit siya sa Amerika bunsod ng kaso ni Michael Terrence Meiring noong 2002.

Nabuko na si Meiring, isang Central Intelligence Agency (CIA) Agent na matagal na nakabase sa Davao City bilang treasure hunter, ay nadakip sa siyudad noong 2002 dahil aksidenteng sumabog ang ginagawa niyang bomba sa kuwarto niya sa Evergreen Hotel.

Hindi naimbestigahan si Meiring dahil itinakas siya ng mga Amerikanong nagpakilalang mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) mula sa ospital.

Batay sa ulat, pumayag ang may-ari ng pagamutan na ibigay si Meiring sa FBI agents makaraan pangakuan ang kanyang anak na nurse na mabigyan ng US work visa.

Namatay si Meiring sa US sa edad na 76-anyos noong 2012 at hindi inimpormahan ng Amerika ang lokal na hukuman sa Davao City na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong illegal possession of explosives at reckless imprudence resulting in damage to property.

Hinamon noong 2009 ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang  Kongreso na imbestigahan ang tunay na papel , presensiya at paniniktik ng tropang Amerikano sa Filpinas pati na ang Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P).

Sa ulat, ang misyon ng JSOTF-P ay maglulunsad ng “unconventional warfare” at “foreign internal defense” at bukod sa pagtugis sa mga terorista, ang kanilang pamamalagi sa bansa ay upang magkaroon ng “basing system” ang US at makapagtayo ng “cooperative security location” upang malayang makagalaw sa Asya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *