Monday , May 12 2025

P4.7-B benefits ng WWII veterans at AFP retirees ibibigay na

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipamahagi ang P4.7 bilyon benepisyo ng mga biyuda ng World War II veterans at mga retiradong sundalo.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa mensahe niya sa paggunita ng National Heroes Day kahapon sa Libingan ng mga Bayani, P3.5 bilyon ay para sa kabayaran ng “arrears” ng mga biyuda ng mga beterano habang P1.2 bilyon sa retirees ng AFP.

Aniya, ilalabas ang naturang pondo sa lalong madaling panahon makaraan ipitin ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Bukod dito ay maglalaan ang Pangulo ng P250,000 mula sa Office of the President para sa mga pulis at sundalo na namamatay habang tinutupad ang kanilang tungkulin.

Ikinatuwa ng mga biyuda ng mga beterano na dumalo sa okasyon, ang pahayag ng Pangulo, anila’y matagal na nila itong hinihintay.

Nang bisitahin ang lamay ni PO1 Gary Cabaguing sa Catbalogan, Samar, sinabi ng Pangulo na si Interior Secretary Mike Sueno ang bahalang mamahagi ng pondo dahil ang DILG  ang nakaaalam sa grassroots lalo’t may kontrol ito sa local government unit.

Sinabi ng Pangulo, hindi na ang mga beterano ang kailangan mag-follow-up kundi ang DILG na ang dapat makipag ugnayan sa kanila.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *