Samantala, natanong naman sina James at Nadine kung ano ang unforgettable memories nila sa Greece.
“Pinaka-most memorable ko po ay ‘yung last taping day namin sa Santorini.
“‘Yun po ‘yung time na patapos na kami, tapos po, nanood kami ng sunset.
“Tapos, parang sobrang sarap lang po ng pakiramdam na parang “guys, we did it!” Natapos po namin, nagawa po namin lahat ng eksena.
“Parang time na to relax, tapos pinanood lang namin ‘yung sunset, lahat po kaming naiwan doon.
“Ang ganda po talaga, iba po talaga (ang sunset doon). Tapos ‘pag lalabas na po ‘yung moon, ang laki ng moon, para siyang cheese. Ang laki kasi.
“Basta, ang ganda po. Ibang klase po talaga roon. Kaya naman pala parang sinasamba ng mga Greek ‘yung sun and moon na parang mga Gods. Ibang klase po talaga, ang ganda po talaga,” paglalarawan ni Nadine.
Sabi naman ni James, “’yung sunset din po. When it sets, parang sobrang mabagal at may kasamang applause from everyone.
“It’s an unforgetabble experience. It’s supposed to be like thanking the sun, something like that.”
Kuwento naman ni Zoren, “gusto ko munang sabihing, we very much appreciate the production in Greece dahil kapag umuuwi kami galing lakwatsa kasi mas maraming taping days naman ang JaDine nakikita namin sila na galing sa trabaho na walang tulog, pero nandoon pa rin sila at you can sense na they still want to fight, kaya direk (Antoinette), congrats sa hardwork n’yo roon, really na-appreciate namin iyon.
FACT SHEET – Reggee Bonoan